Dongyan

Marian funny at makulit katrabaho — kiray

March 25, 2024 Vinia Vivar 62 views

Hindi umano totoong nakakatakot katrabaho si Marian Rivera, ayon sa My Guardian Alien co-star niyang si Kiray Celis.

Kwento ng Kapuso comedienne sa mediacon ng naturang serye, noong una ay marami ang nagsabi sa kanya ng mga hindi magagandang komento nang malamang makakatrabaho niya si Marian.

“Ako na ‘yung magsasabi. Siyempre ‘pag sinabi mong Marian Rivera, ang daming magsasabi sa ‘yo, ‘Naku, makakatrabaho mo si Marian. Good luck sa ‘yo,’” ani Kiray.

“May mga ganun, ’di ba? Tatakutin ka, aanuhin ka, sasabihin sa ‘yo lahat ng hindi magaganda,” she added.

Pero siya na rin mismo ang nakapagpatunay na lahat ng hindi magagandang sinasabi ng mga tao kay Marian ay hindi totoo.

“Pero sa totoong buhay po, lahat ng nagsabi sa ‘kin nu’n, gusto kong balikan isa-isa kasi lahat po ‘yun, mali. Lahat po ‘yun, kabaligtaran sa lahat ng sinasabi nila,” sey ni Kiray.

Hindi umano nakakatakot si Marian kundi sobrang funny nito at makulit.

“Kung ga’no nila sinasabing nakakatakot, sobrang nakakatawa. Kung ga’no sinasabi nila maldita, sobrang kulit,” she said.

“Ayain mo du’n sa gilid, hindi maarte. Sasabihin lang maarte, kabaligtaran po ‘yun sa lahat ng nakikita niyo,” papuri pa ni Kiray kay Marian.

“Lahat kami nararamdaman ‘yun and very thankful kami na naka-work namin si Ate Yan,” dagdag pa niya.

Samantala, kahapon ay proud wife si Marian kay Dingdong Dantes na nagtapos ng Naval Combat Engineer Officer Basic Course sa Brigade Training and Doctrine Center ng Naval Combat Engineering Brigade sa Fort Bonifacio.

As we all know naval reservist ang Kapuso Primetime King na may rank ng major.

AUTHOR PROFILE