Denjen

DENNIS AT JENNYLYN MAY REUNION MOVIE

March 25, 2024 Vinia Vivar 84 views

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang pelikula ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Kasado na nga ang pagsasamahan ng celebrity couple na biggest romantic comedy movie ng 2024, ang Everything About My Wife kung saan ay makakasama nila si Sam Milby.

Kwento ito ng isang lalaking gusto nang ipamigay ang asawa nya. Napakaraming nakakatawang eksena na tiyak ay marami rin ang makaka-relate.

Hango sa isang Argentinian movie hit na pinamagatang Un Novio Para Mi Mujer ang Everything About My Wife.

Nagkaroon din ito ng iba’t ibang version worldwide kabilang na ang box-office hit na Korean version na All About My Wife na pinagbidahan ng Korean superstars na sina Im Soo-jung, Lee Sun-kyun at Ryu Seung-ryong.

Ang Philippine version ay mula sa direksyon ni Real Florido.

AUTHOR PROFILE