KC2

KC NAGPAPATAYO NG BAKASYUNAN SA PALAWAN

March 25, 2024 Vinia Vivar 54 views

Tila binabalak nang patayuan ni KC Concepcion ng bahay o vacation house ang lupang nabili niya sa San Vicente, Palawan.

Ipinost ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa Instagram ang mga larawan ng property at sa isang photo ay makikitang may mga kasama pa siyang engineer.

“A place to be enjoyed by my loved ones one day,” caption ni KC sa isang picture.

“I can’t wait to share this place with my special someone and make new memories with family and friends,” sey pa ng dalaga sa isang photo.

Sa isang larawan naman ay makikita ang isang lalaki na tila nilalagyan ng marker or dibisyon ang lupa.

Caption ni KC, “Salamat po mga engineer at mga kuya.”

Makikita rin sa isang picture na overlooking the sea ang nabiling property ni KC.

Actually, taong 2018 pa unang naipost ni KC na bumili siya ng lupa sa Palawan at ang unang balita nga ay gagawin niya itong resort.

Ayon pa sa dalaga noon, sa kanyang ina niya natutunan na mag-invest sa mga property.

AUTHOR PROFILE