Default Thumbnail

Baguhang artista nawindang sa porsyento ng management company

March 25, 2024 Jun Nardo 66 views

HALOS kalahati pala ng kikitain sa trabaho ang mapupunta sa isang management company kapag may talents silang gusto para mapabilang sa kuwadra nito.

Isang baguhang artist na maingay na pangalan sa work na sinamahan at TV shows ang inoperan upang mapabilang sa artists ng isang kilalang talent management.

May hawak ding malalaking artists ang company. Kaya naman kapag alam nilang may potential ang isang artist, eh, hinihimok nilang mapabilang sa kwadra nila.

‘Yun nga lang, nang kausapin ng artist ang bosses ng talent management, nawindang siya nang malaman kung magkano ang porsiyento ng mapupunta sa management, huh!

Halos 50 percent ang nais na mapasakanila.

Isip-isip ang artist pero hindi na niya binalikan ang kumpanya at siya na ang nag-manage sa sarili niya at hindi naman siya nawawalan ng trabaho, huh!

LUMANG RELIGIOUS FILMS HANDOG NG TV NETWORKS NGAYONG HOLY WEEK

SLOW down muna ang karamihan ngayong Holy Week.

Time to reflect, kumbaga, dahil pati sa TV, eh, tigil-trabaho rin at ‘yung lumang religious films ang handog ng networks simula sa Huwebes Santo.

Araw din ito ng pagninilay-nilay at pagbisita sa mga simbahan at kung kakayanin, gawin muli ang tradisyon tuwing Mahal na Araw gaya ng Visita Iglesia, prusisyon, pabasa at iba pa.

Siyempre, iwas-iwas din tayo sa pagkain ng karne sa linggong ito.

Have a blessed Holy Week!

AUTHOR PROFILE