Jodi

Jodi wagi sa Singapore, naging emosyonal

December 9, 2022 Aster Amoyo 407 views

Jodi1

NAGING emotional ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang acceptance speech during the 2022 Asian Academy Creative Awards na ginanap sa historic Chijmes Hall in Singapore last Thursday evening, December 8 kung saan siya ang tinanghal na Best Actress besting other nominees from other Asian countries including Singapore’s Rebecca Lim, Kim Hye- soo of South Korea, Cheryl Yang of Taiwan, Sakhi Tanwar of India among others.

Katabi sa upuan ni Jodi ang isa pang Kapamilya actress na si Dimples Romana na isa naman sa mga nominado sa Best Actress in A Supporting Role for her portrayal in the TV series “Viral Scandal”. Nagyakapan sina Jodi at Dimples nang i-announce ang Philippines and Jodi’s name as the winner. Ipinakita rin ang isa sa executives ng ABS-CBN, ang writer-director na si Ruel Bayani na naging expert guest speaker sa Academy Campus ng Asian Academy Creative Awards’ 2022 Producers Summit and Masterclass (online) last July.

Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Jodi ang ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, the directors ng “The Broken Marriage Vow” na sina Connie Macatuno at Andoy Ranay, ang BBC, her co-actors, production staff at higit sa lahat, ang Diyos sa kanyang panalo.

“This was so unexpected. Thank you to the Asian Academy, ABS-CBN, Dreamscape, BBC for allowing us to do the Philippine adaptation of “Doctor Foster,” our directors Connie Macatuno and Andoy Ranay, my co-actors and production team. I would always say that it takes a village to be able to produce a wonderful series and I’m just at a loss for words. But again, thank you because this is the highlight of my year. God, I give you back all the glory and praise.

Thank you,” pahayag niya sa kanyang acceptance speech.

Although almost 24 years na sa industriya si Jodi, it was only in 2012 nang umalagwa nang husto ang kanyang career nang gawin niya ang morning TV series na “Be Careful with My Heart” na pinagtambalan nila ni Richard Yap. Ang nasabing serye ay tumagal sa ere hanggang 2014. Since then ay tuloy-tuloy na ang paggawa ni Jodi ng iba’t ibang hit TV series na nagbigay sa kanya ng iba’t ibang awards bilang pagkilala sa kanyang husay bilang actress.

Pagkatapos ng “The Broken Marriage Vow” this year, ang Kapamilya star will be seen again in a new TV drama series in 2023 sa pamamagitan ng “Unbreak My Heart”. Pero bago ito ay mapapanood muna siya sa isang pelikula with Coco Martin, ang romance, comedy, drama movie na “Labyu with an Accent” na isa sa mga kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Jodi is currently in a relationship with Claudine Barretto’s ex-husband, actor Raymart Santiago. Ang actress ay merong teen-age son na si Thirdy sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson whose current partner ay ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto with whom he has two kids.

Jodi is good friends with her ex-husband at Iwa maging sa kanilang dalawang anak na sina Hiromi Aiko Eve (Mimi)- 8- at Caleb Jiro Lacson (turning 2 in January).

Andi hinahanap pa rin ng fans KAHIT sa Siargao na naka-base ang actress at YouTuber na si Andi Eigenman with her fiancé, ang surf champion na si Philmar Alipayo at mga anak na sina Ellie,
Lilo at Koa, every once in a while ay lumuluwas sila ng Maynila to spend some time with Andi’s mom, ang award-winning seasoned actress na si Jaclyn Jose, other relatives and friends.

Not too long ago ay magkakasamang namasyal sa Europe ang pamilya ni Andi.

Although sanay na sa buhay niya sa Siargao si Andi, umaasa pa rin ang kanyang mga supporters na sana’y paminsan-minsan ay gumawa pa rin ito ng pelikula o teleserye.

Si Andi ay huling napanood sa pelikulang “All Souls Night” in 2018 habang ang “The Greatest Love” naman ang kanyang last TV series in 2017.

boy

Maugong pagbabalik ni Boy sa GMA

PALAISIPAN sa marami kung sino ang showbiz icon na nakatakdang magbalik sa bakuran ng GMA.

Ang hula ng nakararami ay ang `King of Talk’ na si Boy Abunda whose TV career started sa bakuran ng GMA sa pamamagitan ng showbiz-oriented talk show na “Show &; Tell” with Gretchen Barretto and Lolit Solis in 1994. In 1995 ay si Boy din ang nag-host ng “Startalk” with Kris Aquino and Lolis Solis but in 1999, Boy and Kris moved to ABS-CBN where they hosted “The Buzz” which lasted up to 2015. Since then, Boy has hosted several other talk shows tulad ng “Private Conversations,” “Kontrobersyal,” “Homeboy,” “Boy & Kris,” “SNN Showbiz News Ngayon,” “The Bottomline with

Boy Abunda” and “Aquino and Abunda Tonight”. Naging entertainment segment host din siya ng late night news program na “Bandila”.

Nawalan ng regular talk show sa telebisyon si Boy in 2020 nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN and eventually hosted his own online show, ang “The Boy Abunda Talk Show”.

Kung si Boy nga ang magbabalik-Kapuso, this is good news to everyone laluna sa mga tagasubaybay ng tinaguriang “King of Talk” sa telebisyon.

VhongVhong1

Pansamantalang paglaya ni Vhong early Christmas and birthday gifts

KUMPLETO muli ang pamilya ng dancer-turned actor-comedian and TV host na si Vhong Navarro matapos itong makalaya sa pagkakakulong sa Taguig City Jail last Tuesday, December 6 na may kinalaman sa kasong isinampa laban sa kanya ng (dating) model na si Deniece Cornejo.

Vhong is out on bail of P1-M sa kasong rape.

Ang pansamantalang paglaya ni Vhong ay maagang Pamasko sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay. Advance birthday gift na rin ito sa actor-comedian- host who will be celebrating his 46th birthday on January 4, 2023.

Although bumabawi pa si Vhong sa kanyang pamilya na hindi niya nakasama since September this year matapos siyang ma-detain sa NBI Detention Cell and eventually malipat sa Taguig City Jail last November, hindi pa malinaw kung agad itong babalik sa isa pa niyang pamilya, ang “It’s Showtime” noontime show na sobra ring natuwa sa kanyang paglaya.

Si Vhong ay nasa pangangalaga ng seasoned and award-winning director na si Chito Rono.

KailaKaila1

John, Janice proud parents kay Kaila

PROUD parents ang former couple na sina Janice de Belen at John Estrada sa kanilang anak na si Kaila Estrada na gumagawa na rin ng sariling pangalan bilang aktres.

Kaila was first introduced sa hit primetime TV series na “Viral Scandal” and she was so good in her character bilang isang newcomer.

Ang isa pang hindi makakalimutan ng young actress ay ang pagkakapisil sa kanya to star in the three-part farewell episode ng top-rating and longest-running drama anthology, ang “Maalaala Mo Kaya” or MMK na pinamagatang “Scarlet Women” na magtatapos na sa araw na ito ng Sabado, December 10.

Kaila played the role of Abby na isang cultural dancer who decided to work in Cyprus para sa kanyang pamilya.

Ang buong akala ng dalaga nina Janice at John na hindi na siya makakapag- guest sa MMK hanggang sa pagtatapos nito sa ere after 31 years.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE