Lyca inilantad na ang boyfriend

December 9, 2022 Aster Amoyo 388 views

Lyca1

FIRST public appearance ng magkasintahang Lyca Gairanod at Kyle Walle ang pagbubukas ng 50th branch ng Botejyu Philippines sa Venice Grand Canal Mall in Taguig City last Tuesday, November 29.

Si Lyca (who turned 18 last November 21) and Kyle (17) who is a Filipino- Norwegian (17) ay nagkakilala sa social media sa pamamagitan ng TikTok kung saan follower nila ang isa’t isa.

Mahigit tatlong buwan na ring magkasintahan ang dalawa at dumalo si Kyle sa 18th birthday party ng singer-actress na ginanap sa Villa Excellance in Cavite last November 21. Yun bale ang unang pagkakataon na nakilala si Kyle ng mga  kaibigan ng kauna-unahang grand winner ng The Voice Kids Philippines.

Si Kyle ang first boyfriend ni Lyca who is also a popular YouTuber with more than two million subscribers.

KatyaKatya1

Opening ng 50th Botejyu branch star-studded

HINDI halos mabilang ang talents ng Viva na dumalo sa successful opening ng 50th branch ng Botejyu Philippines ng Viva last Tuesday afternoon sa Venice Grand Canal Mall in Taguig City.

Bukod sa magkasintahang Lyca Gairanod at Kyle Walle, namataan din namin doon ang engaged couple na sina Andrea del Rosario at international polo player na si Anthony Garcia, Lara Morena with son Frost Sandoval, Anthony Charles Dabao, singer, actress at entrepreneur na si Patricia Javier, Andre Yllana, Katya Santos, singer-actor Lance Raymundo, Ronnie Liang, Phoebe Walker at marami pang iba.

Ang isa sa mga anak ng Viva Group of Companies big boss na si Boss Vic del Rosario na si VR del Rosario ang siyang nangangasiwa sa food business ng Viva na kinabibilangan din ng Wing Zone, Paper Moon at iba pa.

Nabanggit minsan sa amin ni Boss Vic na target niyang magkaroon ng 100 branches ng Japanese traditional authentic restaurant na Botejyu nationwide. Sa isang taon ay inaasahang magbubukas ang 30 new branches nito. Ang Botejyu Philippines ay siyang local franchisor ng 70-year-old Betejyu Japan na nagsimula in Osaka nung 1946.

Jake walang takot sa intimate scenes kahit sa kapwa lalake

MARAMING beses nang napasali ang actor na si Jake Cuenca sa Metro Manila Film Festival pero sa MMFF 2022 entry niya ay siya mismo ang lead actor along with Sean de Guzman at Dimples Romana sa pelikulang “My Father, Myself” na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa panulat ng writer- actress na si Quinn Carillo.

Dahil pang-adult at sensitibo ang tema ng pelikula, ito’y binigyan ng R-18 rating ng MTRCB kaya hindi ito puwedeng panoorin ng mga bata below 18 years old.

Tampok din sa nasabing pelikula sina Allan Paule, Jim Pebangco, AC Carillo, Mon Mendoza at iba pa.

Bilang actor, walang problema kay Jake ang magkaroon ng intimate scenes sa kapwa niya lalake huwag lamang frontal nudity. Gagawin lamang daw niya kung ito’y isang Hollywood movie.

Dahil sa husay umarte ni Jake at pagiging professional, never itong nawalan ng trabaho kahit nung kasagsagan ng pandemya.

Ang pelikulang “My Father, Myself” ay magsisilbing advance birthday gift sa actor who will be celebrating his 35th birthday on December 30.

Aminado ang actor na loveless siya at the moment matapos ang break-up nila ng dating beauty queen-turned actress na si Kylie Verzosa last April.

Bago si Kylie, ang actor ay na-link doon kina Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Lovi Poe, Chanel Olive Thomas at Sara Grace Kelley. He also had encoutners with Sam Pinto, Bea Alonzo and Jessy Mendiola.

One of the most sought after bachelor actors, mukhang wala pa sa immediate plans ni Jake ang pag-aasawa.

Samantala, puring-puri ni Jake ang pagiging mahusay umarte ng baguhan at young actor na si Sean de Guzman.

“Malayo ang kanyang mararating,” pahayag ni Jake on Sean.

Andrea tatlong beses nagka-miscarriage

MATAGAL tagal na rin ang relasyon ng dating beauty queen-turned actress sina si Andrea del Rosario sa kanyang boyfriend na isang international polo player na si Anthony Garcia at kasal na lamang ang kulang sa dalawa.

Andrea has a 12-year-old daughter na si Bea sa isang prominent businessman at dating politician.

Inamin sa amin ni Anthony na tatlong beses na umanong nagka-miscarriage si Andrea (via IVF) kayo halos nawawalan na umano sila ng pag-asa na magkaroon ng sariling anak.

Most of the time ay nasa Argentina si Anthony for his polo trainings. Most of the worlds polo players are from Argentina. There are times na sumusunod doon si Andrea to visit her fiancé.

The couple have plans to get married abroad and even entertaining the idea of settling in the US.

Anthony owns a 6-hectare farm in Calatagan, Batangas kung saan nanilbihang vice-mayor ang actress. Bukod sa ginawa itong training ground for polo ni Anthony, naglagay din ang magkasintahan ng livestock sa nasabing farm.

Dahil kay Anthony, marunong na ring maglaro ng polo ang mag-inang Andrea at Bea na pareho ring may talent sa pagpipinta.

Mariel inamin ang pagiging palamura

INAMIN ng kilalang TV host na si Mariel Rodriguez (Termulo)- Padilla na palamura umano siya bago niya napangasawa ang no. 1 senator, ang action superstar-turned politician na si Robin Padilla..

“I used to curse a lot before,” pag-amin ni Mariel.

Pero nabawasan umano ng 90% dahil kay Robin.

“Napakaganda mo para magmura,” puna umano sa kanya ni Robin.

Dahil dito, unti-unting tinanggal ni Mariel ang kanyang pagiging palamura sa kanyang expression at isa umano ito sa ipinagpapasalamat niya sa kanyang mister.

Ayon kay Mariel, wala umanong nabago sa kanila ni Robin magmula nang pasukin nito ang pulitika. Ang nabago lamang umano ay masyadong busy at stressed ngayon ang kanyang husband dahil sa nature ng kanyang trabaho bilang senador. Pero pagdating na bahay ay ito pa rin umano ang Robin na asawa niya at ama ng kanilang dalawang anak na sina Isabella (5) at Gabriella (2).

Ang araw ng Linggo ang kanilang bonding moment bilang pamilya.

Kahit binalikan na si Mariel ang kanyang hosting job sa telebisyon sa pamamagitan ng “M.O.M.S.” with Ruffa Gutierrez and Ciara Sotto on ALLTV, she makes it a point na hindi umano niya nini neglect ang kanyang role bilang maybahay ni Robin at ina ng kanilang dalawang anak. Naisisingit pa rin niya ang kanyang pagiging online seller ng mga branded items na sobra umano niyang ini-
enjoy.

Twelve years nang mag-asawa sina Robin at Mariel who got married twice in 2010.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE