Jimmy

Jimmy dumalaw lang pero hindi bumalik

October 15, 2023 Aster Amoyo 205 views

Jimmy1SINORPRESA si Joey de Leon at ang bumubuo ng Dabarkads ng noontime program na “E.A.T.” ng isa sa mga original Dabarkads, ang actor-comedian at dating TV host na si Jimmy Santos.

Si Jimmy ay hindi inaasahang dumating  sa 77th birthday celebration ng tinaguriang `Pinoy Henyo’ na si Joey nung nakaraang Sabado, October 14.

Nagmistulang reunion ng Dabarkads ang surprise visit ni Jimmy na isa ngayong vlogger at naka-base sa Canada habang ang isa pa nilang dating  kasamahan sa programa  na si Ruby Rodriguez ay sa Los Angeles, California naman naka-base ngayon with her family.

Sa 44 years nina Tito, Vic & Joey at ng Dabarkads sa paghu-host sa original “Eat Bulaga” since July 30, 1979, hindi akalain ng tatlo na mapapawalay sila sa dati nilang home studio at malilipat sila sa TV5 with a new noontime show, ang “E.A.T” na katapat ngayon ng dati nilang programa na napapanood sa GMA.

Hindi naman naiwasan ng TVJ at iba pang Dabarkads ang maging emotional sa surprise visit ni Jimmy na itinaon sa birthday celebration ng isa sa mga poste ng noontime show na si Joey de Leon.

Dahil sa pagdating ni Jimmy, inakala tuloy ng marami na balik-Dabarkads ang actor-comedian at dating TV host.

Maxine ikinasal uli

MATAPOS ang intimate church wedding ng newlywed couple na sina Maxine Medina at Timmy Llana sa Immaculate of Mary Church in Antipolo City nung October 3, ito’y sinundan ng intimate beach wedding nung October 10 sa Club Paradise in Coron, Palawan na dinaluhan naman ng kanilang malalapit na kaibigan.

Magkahiwalay na elegant wedding gown ang suot ng 2016 Bb. Pilipinas – Universe-turned actress na si Maxine.  Si Mark Bumgarner ang nag-design ng kanyang church wedding gown habang si Rhett Eala naman sa kanyang beach wedding.

Si Maxine ay regular na napapanood sa “Magandang Dilag” TV series na pinagbibidahan ng dating beauty queen at actress-comedienne na si Herlene Budol sa GMA habang ang mister niyang si Timmy ay isang non-showbiz diving instructor.

Unang episode pa lang tigbak na

LuckyLucky1FIRST time sa lahat ng shows ng ABS-CBN kahit the buong industriya. hindi pa tayo natatapos sa unang episode ay maa-announce na natin ang huling dalawang linggo,” birong totoo ng main host ng “It’s Your Lucky Day” daily game show na si Luis Manzano sa pagsisimula ng programa last Saturday, October 14 bilang pansamantalang kapalit ng top-rating and long-running noontime show na “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Amy Perez, Karylle, Ogie Alcasid, Kim Chiu at marami pang iba na pinatawan ng 12-day suspension ng MTRCB simula nung October 14 na magtatapos on October 27.

Kahit pansamantalang hindi muna napapanood sa ere ang “It’s Showtime,” nag-enjoy ang Madlang People sa bagong programang “It’s Your Lucky Day” kahit alam nilang sandali lamang nila ito mapapanood.

Hindi talaga matatawaran ang pagiging magaling na host-comedian ng panganay ng dating couple na sina Vilma Santos-Recto at Edu Manzano pagdating sa paghu-host ng isang programa laluna ng isang game variety show.  Bukod kay Luis, nariyan din sina Melai Cantiveros, Robi Domingo, Jennica Garcia, Kyle Echari at Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Francine Diza kasama sina Long Mejia, Negi, Petite at iba pa.

Sa pagpapalabas ng “It’s Lucky Day” na mapapanood hanggang October 17 sa time slot ng “It’s Showtime,” kakaibang putahe ang hatid ng grupo na may kakaibang brand of humor sa pangunguna mismo ng mister ni Jessy Mendiola.

Although hindi  muna napapanood ang “It’s Showtime” na pansamantalang naka-break ngayon, malaking bagay ang pagkakaroon ng pansamantalang kahalili ang noontime show dahil masaya rin ang grupo at palabas na pinangungunahan mismo ni Luis.

Iwa nakiramay sa anak ng ex

IwaPERSONAL na nakiramay ang Starstruck alumna at longtime partner ng ex-husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson na si Iwa Moto sa lamay ni Yzabel Ablan, ang panganay na anak ng kanyang ex-husband  na si Mickey Ablan (sa ibang babae) na mister na ngayon ang Kapuso actress na si Janna Dominquez.

Si Yzabel ay sumakabilang-buhay nung nakaraang October 7 due to heart failure and lung infection at age 20, the same day na isinilang naman ni Janna ang kanilang bunso ni Mickeyl.

Nung nabubuhay pa si Yzabel ay naging close ito sa dalawa niyang naging step-moms na sina Iwa at Janna. Janna considered her as her eldest daughter habang may tatlo pa silang anak ni Mickey – two girls and a boy.  The couple’s youngest child was born on the day Yzabel died on October 7.

Si Yzabel ay naihatid na sa kanyang huling hantungan last October 12.

Kung maganda ang relasyon ngayon ni Iwa sa ex-wife ni Pampi na si Jodi Sta. Maria at sa panganay ng dating mag-asawa na si Thirdy, maganda rin ang relasyon ngayon ni Iwa sa kanyang ex-husband na si Mickey at present wife nitong si Janna.

Sina Iwa at Pampi ay may dalawa nang anak na sina Mimi at Caleb Jiro na super close sa kanilang elder half-brother na si Thirdy maging kay Jodi.

Blended family mang maituturing ang present set-up nina Jodi Sta. Maria at ex-husband nitong si Pampi Lacson at Iwa Moto maging ang kanilang mga anak, ganoon din si Iwa sa kanyang ex-husband na si Mickey Ablan at wife nitong si Janna Dominguez, it works for them perfectly well.  Ang mahalaga, magkakasundo sila na sa iba ay imposibleng mangyari.

Maui hindi napigilang magpaseksi uli

MauiISA kami sa nagulat sa muling pagbabalik ng dating Viva Hot Babes member na si Maui Taylor sa pagpapa-seksi at pagbi-bare ng skin sa upcoming sexy movie na palabas on Vivamax streaming app, ang “Haliparot” na siyang launching movie ng baguhang si Aiko Garcia at kung saan din tampok sina Matt Francisco at Aerol Carmelo mula sa pamamahala ni Direk Bobby Banifacio.

At 40 with two growing-up sons, inakala namin na magmi-menor na si Maui pagdating  sa pagbi-bare at sa paggawa ng mga intimate hot scenes in the movie pero dahil sa magandang istorya ng movie at director nitong si Direk Bobby, she gave her all kahit mas bata di hamak sa kanya ang kanyang mga kasama sa pelikula laluna ang bagitong macho actor na si Matthew na siya niyang nakapareha sa mga ginawa niyang hot scenes.

Base sa titulong “Haliparot,” bagay din dito ang titulong “Tuhog” dahil tinuhog ng character ni Matthew ang mag-inang ginampanan nina Maui at Aiko.

Deceiving ang role ni Matthew na inakalang banal bilang isang religious missionary na ginawa lamang pala niyang  front para mambiktima ng mga babae sa lugar na kanyang napupuntahan at kasama sa kanyang nabiktima ay ang mga characters na ginampanan nina Maui at Aiko bilang mag-ina.

Mahirap ang role na ginampanan ni Matthew pero ito’y kanyang naitawid nang maayos gayundin ang role ni Aerol as Gibo na sympathetic at ever supportive and in love   kay Ging (Aiko) kahit alam niyang iba ang mahal nito.  At kahit alam niya na hindi siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Ging ay inako niya ang responsibilidad huwag lamang itong malaman ng kanyang ina.

Sexy-drama-suspense ang tema ng “Haliparot” for streaming on Vivamax app this Friday, October 20.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X) @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE