KC

Pag-amin ni KC, gusto niya ng kumpletong pamilya, happy marriage at healthy children

October 15, 2023 Vinia Vivar 239 views

Inamin ni KC Concepion na hindi na siya makatulog sa sobrang excitement sa nalalapit na reunion concert ng kanyang mga magulang na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

“’Dear Heart’ concert. Hindi na po ako makatulog, 5:30 a.m. na po ako nakatulog kanina. Kasi papalapit na po ‘yung October 27,” sey ni KC sa panayam sa kanya ni Isko Moreno sa YouTube vlog.

Nakakaaliw din ang kwento ni KC sa kanyang ama na napagkakamalang boyfriend niya sa Amerika.

“Akala ng mga taga-Amerika ‘pag kausap ko siya sa Facetime, boyfriend! Whaat? Boyfriend? It’s my father! Kasi bampira. ‘Di tumatanda. Gwapo,” kwento ni KC tungkol sa ama.

Pagdating naman sa kanyang ina, sey ni KC, “Ganda! Super blooming. Pinaka-gandang-ganda ako sa nanay ko, on stage. Sa concert scene. Favorite ko ang version ng mommy ko na concert performer, singer. Parang nagiging fan ako, ganu’n.”

Dagdag pa niya, “I love seeing her na nandiyan ‘yung spotlight, hawak na niya ‘yung mic. Naka-tour ko na si Mama, na-guest na niya ako sa tour, wala akong masabi sa professionalism niya.”

Natanong din ni Yorme si KC kung saan nito nakikita ang sarili 10 years from now.

“Oh, my gosh! Sana may foundation na ako. And of course, sana may family na ako. Sana. Gusto ko lang, complete family. Gusto ko ng happy marriage, happy children, healthy children.

“And ‘yung alam mo ‘yun, maging close rin ako sa family, kami ng family and kami ng magiging family ko. Gusto ko lang, masaya lahat,” sey ni KC.

AUTHOR PROFILE