Dennis

Jennylyn at Dennis happy family na

February 27, 2023 Aster Amoyo 536 views

JennelynDennis1Dennis2SA darating na April 25 ay ise-celebrate ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang unang kaarawan ng kanilang daughter na si Baby Dylan.

Sina Dennis at Jennylyn ay parehong may tig-isang anak na parehong lalake sa kanilang previous relationships. Ang Kapuso singer- actor ay may almost 16 year-old son sa dating beauty queen-turned actress na si Carlene Aguilar na si Calix at may 15 year-old son naman ang Kapuso singer-actress sa actor na si Patrick Garcia na si Alex Jazz.

Si Dennis ang gumawa ng paraan na maging maayos ang relasyon ni Jennylyn sa ama ng kanyang panganay na si Patrick na may sariling pamilya na rin ngayon.

Happy family na ang pamilya ngayon nina Dennis at Jennylyn dahil parang tunay na magkapatid ang turingan nina Calix at Alex Jazz. Mahal na mahal din ng dalawa ang kanilang baby sister na si Dylan.

Sina Dennis at Jennylyn ay unang nagkalapit nang sila’y magkatrabaho sa TV series na “Now & Forever” nung 2006. But just like any other couples, dumaan din sa maraming pagsubok ang kanilang relasyon at sila’y nagkahiwalay nung 2013 only for them to reconcile again in 2014.

Inamin nila na nang magkahiwalay sila ay doon umano nila na-realize na mahal pala nila talaga ang isa’t isa.

Samantala, kagagaling pa lamang ni Dennis sa isang matagumpay na serye, ang “Maria Clara at Ibarra” where he played the lead role of Cristostomo Ibarra and Simoun. Pinaghahandaan naman ngayon ni Jennylyn ang kanyang pagbabalik-showbiz ngayong magi-isang taon na si Dylan.

Malamang na ipagpatuloy na niya ang taping ng “Love Die Repeat” na pinagtatambalan nila ni Xian Lim na natigil ang taping dahil sa maselang pagbubuntis noon ng Kapuso singer-actress.

Sina Dennis at Jennylyn ay kapwa hands-on parents kay Baby Dylan maging kina Calix at Alex Jazz.

DonBelle handa na sa bagong series

ISA na ngayon sa hottest loveteams ang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano na ang unang pelikulang ipinalabas sa mga sinehan nung isang taon, ang “Inconvenient Love” na dinirek ni Petersen Vargas under Star Cinema ay no. 1 movie ngayon sa streaming app na Netflix.

Pumalo nang husto ang loveteam ng dalawa nang sila’y pagtambalin sa mini-series ng iWant TFC, ang “He’s Into Her” nung 2021 na nagkaroon pa ng Season 2. Gumawa rin ng digital movie ang dalawa, ang “Love is Color Blind” which was also a hit.

Pinaghahandaan ngayon ng dalawa ang kanilang kauna-unahang full TV drama series na nakatakdang pamahalaan ni Mae Cruz-Alviar. Taping starts last week of March or first week of April.

Natagpuan na ba ni KC ang the one sa kasamang foreign guy?

KCKC1THIRTY-seven-year-old singer, actress and entrepreneur KC Concepcion is back in town and is currently enjoying the beach in her dad, Gabby Concepcion’s owned beach front in Lobo, Batangas.

Last Valentine’s day, nag-post si KC na may kasamang isang foreign guy, isang indikasyon that she’s into a new relationship.

Umaasa naman ang (separated) parents (Gabby and megastar Sharon Cuneta) ng dalaga na sana’y natagpuan na nito ang bagong mamahalin at makapag-asawa na para magkaroon na rin sila ng apo kay KC.

KC is turning 38 on April 7 while her mom had her when she was 18 going 19.

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa rin ang umaasa na sana’y matuloy na ang reunion movie nina Sharon at Gabby na may ilang beses na ring nabinbin.

IN our exclusive interview with Kapuso singer-actor and entrepreneur Ken Chan, inamin nito na minahal niya talaga ang dating ka-loveteam na si Rita Daniela at kasalanan niya umano kung bakit hindi ito natuloy into a deeper relationship.

Ayon sa singer-actor, hindi pa umanosiya noon handa na magkaroon ng sarilingpamilya being his family’s bread-winner. He prioritized his career and business more than his personal relationship with Rita kaya sila nagkahiwalay.

Gayunpaman, natutuwa umano siya para kay Rita at sa karelasyon nito ngayon pati na sa kanilang anak. Wala naman umanong nabago sa kanilang dalawa bilang magkaibigan.

“I am still here for Rita as a friend,” aniya.

Coco di masasabi kung malalagpasan ang sariling record

CocoCoco1TULAD sa kanyang ginawa sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” patuloy ang pagtulong ng actor, director, co-producer at creative director na si Coco Martin sa kanyang mga kasamahan sa industriya sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong action-drama series, ang “FPJ’s Batang Quiapo” na isa rin sa mga classic hit movies ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr.

Maraming jobless actors ang nabigyan ng pag-asa ni Coco sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong serye na nung February 13 lamang nagsimula.

Malakingkatanungan sa marami kung mabi-break ni Coco ang sarili niyang record dahil tumagal ng pitong taon sa ere ang “FPJ’s Ang Probinsyano” at consistent ang pagiging top-rating nito.

Since bagong simula pa lamang ang “FPJ’s Batang Quiapo,” kailangan munang hintaying matapos ang serye bago masabi kung napantayan o di kaya nalagpasan ang record na naitala ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE