Ruffa

Ruffa sa taong idine-date: Only God knows kung magkakatuluyan kami

February 26, 2023 Vinia Vivar 469 views

Ikinaloka nang bonggang-bongga ni Ruffa Gutierrez na ang dine-date ngayon ng ex-boyfriend niyang si Jordan Mouyal ay ang isa sa kanyang best friends.

This was revealed sa latest vlog ni Dra. Vicki Belo kung saan ay guest niya ang aktres.

Ang celebrity doctor ang nagbukas ng topic and asked Ruffa how she feels about it.

Sey ni Dra. Viki, “So, I know that your ex is dating one of your best friends and I know that girl and she’s really somebody close to you. You’re such a wonderful friend, by the way. So, how does that feel?”

Inamin naman ni Ruffa na talagang nagalit siya at first dahil nga kaibigan niya ito. Although nilinaw naman niyang hindi ito ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

“I left the person. I left him because I didn’t see a future with him. So, it’s very clear na wala naman siyang naging kasalanan sa akin. It’s just that I wasn’t growing anymore.

“After seven years, ‘di ba, it’s time for you think na ‘where is this relationship going? Is it stll inspiring me to be the best person that I can be?’ I just didn’t know, sasaluhin siya ng isa sa mga close friends ko,” pahayag ni Ruffa.

Of course, ini-expect naman niya na makikipag-date rin ang ex niya after they broke up pero hindi lang niya inasahan na sa kaibigan pa niya.

“Alam ko naman, makikipag-date siya, eh. Alam ko naman ‘yon dahil pinakawalan ko na nga. Pero para i-date ng friend ko na malapit talaga sa ‘kin, it’s more of the betrayal of friendship,” she said.

Pero looking back, na-realize rin daw niya na kaya sila naghiwalay ay dahil may naghihintay na something and someone better for her.

“The reason why that we didn’t get along to begin with is because may naghihintay para sa akin na bigay ni Lord,” sey pa niya.

Sa ngayon ay happy na raw siya sa buhay niya at aniya, “I moved on and thank you so much because I’m doing so well with my life.”

Inamin din ni Ruffa na meron na rin naman siyang special someone na bagama’t hindi niya binanggit kung sino, obvious namang si Herbert Bautista ito.

“The person that I’m dating right now inspires me to be a better person. I say it before and I’ll say it again, hindi ako nakapagtapos ng college kung hindi dahil sa kanya.

“Sabi niya, ‘kaya mo ‘yan.’ Sabi ko, ‘yeah, okay. I’ll just take up short course.’ Uso noong pandemic ‘yung master class, three months, two months.

“I even took up Designs of Well-Being in Yale University, two weeks lang ‘yon. And he said, ‘Hindi, tapusin mo ‘yung college mo. Kaya mo ‘yon.’

“Now, I’m studying again, kasi mahilig mag-aral itong taong ito. And now I am studying again, taking up my Master’s, so he’s leading me towards the right path,” tsika ni Ruffa tungkol sa kanyang love life.

“Only God knows kung magkakatuluyan kami in the future or not, but what’s nice is he’s directing me to that path na kahit na alam kong kaya ko ba ito, ‘Kakayanin ko ba ito? Para sa akin ba ito?’ Sabi niya, ‘Hindi, kaya mo ‘yan.’

He makes me a better person, and I think that’s what I need now,” dagdag pa niya

Matatandaang noon pa naman sinasabi ni Ruffa na si Bistek ang talagang nag-encourage sa kanya na bumalik sa pag-aaral.

Pero ang isang malaking tanong, sino ang best friend ni Ruffa na trinaydor siya?

AUTHOR PROFILE