Jason

Jason nag-propose na kay Vickie

June 2, 2022 Aster Amoyo 649 views

Jason1

ENGAGED na ang 37-year-old Kapuso actor-turned politician na si Jason Abalos sa kanyang longtime girlfriend, ang actress, model at dating beauty queen-actress na si Vickie Rushton (30) at ito’y nangyari sa unang araw ng Hunyo last Wednesday.

Bago pa man pumasok noon si Vickie sa reality show na “Pinoy Big Brother: All In” in 2014 ay magkasintahan na sila ni Jason. At the end of the season ay tinanghal na 4th placer ang beauty queen-actress.

Si Jason ay bagong halal na Board Member ng ikalawang distrito ng Nueva Ecija bilang kapalit ng kanyang amang si Popoy Abalos at siya’y nakatakdang umupo sa puwesto sa darating na June 30, 2022.

Jason (who is Jason Joel Jimenez Abalos in real life) ay nagsimula sa Star Circle Quest ng ABS-CBN kung saan siya nanalo. Nanatili siya sa Kapamilya network sa loob ng 13 taon bago siya lumipat ng Kapuso Network nung October 3, 2017.

Si Vickie naman who is Vickie Marie Milagrosa Sausa Rushton na isang Filipina-British ay nanalong Mutya ng Pilipinas in 2011. Nagpatuloy siya sa kanyang journey sa pageantry nang siya’y sumali sa Bb. Pilipinas in 2018 kung saan siya ang napiling 1st runner-up. Muli siyang sumali the following year sa Bb. Pilipinas in 2019 pero hindi na siya umabante dahil pumalya siya sa Q&A portion. Gayunpaman, marami siyang special awards na naiuwi tulad ng Jad Denim Queen, Miss Ever Bilena, Manila Bulletin Reader’s Choice, Poten Cee Gandang Palaban and Bb. Cream Silk.

Markki

Markki wala nang pakialam sa sasabihin ng tao

ISA ang Filipino-Norwegian singer-songwriter, stage, TV & movie actor, radio and TV host, producer at entrepreneur na si Markki Stroem sa lead cast ng upcoming Vivamax movie release, ang Boy’s Love (BL) erotic-suspense-drama series na “Love at the End of the World” mula sa panulat at direksyon ni Shandii Bacolod at tinatampukan din nina Nico Locco, Gold Aceron, Kristoff Garcia, Rex Lantano, Elija Filamor at Yam Mercado.

Si Markki ay isa sa mga finalists ng reality show na “Pilipinas Got Talent: Season 1” ng ABS-CBN. Sa loob ng tatlong taon ay naging bahagi siya ng Sunday musical variety show ng ABS-CBN, ang “ASAP” na ngayon ay “ASAP Natin `To”. Naging bahagi rin siya ng “Luv Crazy,” “Wako, Wako,” “Mars Ravelo’s Dyesebel at “Doble Kara” sa telebisyon. Nakagawa na rin siya ng ilang movies tulad ng “Slumber Party,” ‘Raketeros,” “10,000 Hours,” “Halik sa Hangin,” “Buy Now, Die Later,” “Ang Hapis at Hinagpis ni Hermano Puli,” “I Love You, Hater” at “Unlocked: Andrew & Brix.”.

He started in theater in 2011 and he did several plays tulad ng “Next to Normal,” “Camp Rock, The Musical,” “Carrie: The Musical,” “Kung Paano Ako Naging Leading-Lady,” “Jersey Boys,” “Awitin Mo at Isasayaw Ko,” “Hair,” “Side Show” at “Angels in America: Millennium Approaches.

Handa si Markki sa magiging reaction ng mga manonood sa kanyang latest movie na “Love at the End of the World” na kwestyunin ang kanyang sexuality gayundin ang iba niyang mga kasamahan sa movie. Pero mas kilala umano niya ang kanyang sarili at bilang actor ay ginampanan laman umano niya ang hinihingi ng kanyang role.

During the digital presscon of the movie, inamin ni Markki na meron umano siyang ADHD (adult attention-deficit/hyperactivity disorder), isang mental disorder na kanyang nalalabanan by doing things na gusto niyang gawin. At first ay nahihirapan umano siyang mag-focus at mag-memorize ng kanyang lines at nagka-trauma umano siya dati. Pero unti-unti umano niya itong nao-overcome.

Inamin pa ng singer-actor na ang kanyang pagkakaroon ng ADHD ay nagsisilbi umano niyang `super power’ sa halip na maging disadvantage.

Sa rami ng ginagawa ni Markki, saan niya gustong mag-excel at magmarka?

“Lahat naman ng ginagawa ko ay hindi ko lamang ini-enjoy gawin kundi I give it my best,” pahayag niya.

Si Markki ay nagtapos ng pag-aaral with merit and honors sa Glion Institute of Higher Education in Switzerland where he took Marketing Management. Radio host din siya ng award-winning radio talk show na “Morning Rush” on Monster RX93 at naghu-host din siya ng isang fitness program, ang “Fitness Tips for Lazy Peeps” on CSTV every Tuesday at 7 p.m.

MilesDiego

Miles maganda ang takbo ng career

NAGPASALAMAT ang 25-year-old singer-actress, writer at host na si Miles Ocampo (Camille Tan Hojilla) sa bumubuo ng Dabarkads ng “Eat Bulaga” maging sa producer ng show, ang TAPE, Inc. at APT Entertainment dahil bahagi na rin siya ngayon ng longest-running noontime program na magsi-celebrate ng kanilang 43rd anniversary sa darating na July 30, 2022.

After being with ABS-CBN’s Star Magic for 18 years, ang isa sa mga graduates ng now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” ay kabilang na sa mga bagong talents ng Crown Artist Management na pinamumunuan ni Maja Salvador na isa rin sa kabilang sa “Eat Bulaga”. Kasama niya sa nasabing talent management company ang award-winning actor at dati ring Kapamilya na si John Lloyd Cruz.

Bukod sa “Eat Bulaga,” si Miles ay kasama rin sa cast ng weekly sitcom ni John Lloyd sa GMA, ang “Happy ToGetHer”. Magkasama rin ang dalawa sa dating sitcom sa ABS-CBN, ang “Home Sweetie Home” na pinagbidahan naman nina John Lloyd at Toni Gonzaga at kung saan nabuo ang pag-iibigan noon nina John Lloyd at ex-girlfriend na nito ngayon na si Ellen Adarna. Ang dating magkasintahan ay may three-year-old son na si Elias Modesto who is turning 4 sa darating na June 27.

Si Miles ay kasalukuyang nag-aaral ng pagsusulat sa University of the Philippines.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE