Jeric at Kirst, binago ang buhay ng showbiz

June 1, 2022 Jun Nardo 377 views

KAPWA registered nurse sina Jeric Gonzales at Kirst Viray na dalawa sa pinapirmang artists ng Sparkle GMA Artist Center kamakailan.

Binago ng showbiz ang buhay nina Jeric at Kirst kaya hindi na nila itinuloy ang pagpunta sa abroad upang hanapin ang kapalaran nila bilang nurse at hindi naman sila nagkamali ng desisyon.

Bukod kina Jeric at Kirst, pinapirma rin sina Lexi Gonzales at Zonia Mejia.

Sa pakikipag-usap sa press sa virtual mediacon, nalaman naming may kapatid si Lexi na may autism habang ang father naman ni Zonia ay may Parkinson’s Disease.

Ang tumulong sa mga batang may autism ang isa sa advocacies ni Lexi na ayon sa kanya, intindihin at alagaan ang mga taong autistic.

Si Zonia naman, isa sa mga dahilan ang sakit ng father niya kaya nagsisikap siya upang mapagbuti ang pagiging parte ng Sparkle talents.

Gabbi

UNANG SERIES NINA GABBI AT KHALIL, IPAPALABAS NA

ONE year in the making pala ang naudlot na Love You Stranger ng showbiz couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Finally, it’s done at mapapanood na sa primetime sa GMA simula sa June 6, Monday.

Ito ang unang series nina Gabbi at Khalil bilang couple.

Mahiwaga ang kuwento nito at lalabas na third wheel sa kanila si Gil Cuerva.

Mula ito sa GMA News and Public Affairs.

AUTHOR PROFILE