James

James, kuntento sa pagiging single

June 1, 2022 Vinia Vivar 307 views

Kung si Nadine Lustre ay maligaya na sa bagong dyowa, ang ex-boyfriend niyang si James Reid ay single pa rin mula nang mag-break sila.

Sa dinaluhang Gold House Gala sa Los Angeles, California last week, natanong si James ng isang press kung single ba siya o dating.

“Oh, we’re single, yes,” sagot ni James.

Asked kung may mga crush ba siya o any girl na intresado siyang ligawan, ani James, wala.

“I’m not really interested right now. I’ve been trying to stay single for as long as possible just because there’s a lot that I’m trying to do right now,” he said.

Idinagdag din ng aktor na kagagaling lang niya sa four-year relationship kaya ini-enjoy muna niya ang pagiging single.

“I got out of a four-year relationship, so, you know, I’m just trying to do me, be happy being me for a while,” anang aktor.

AUTHOR PROFILE