Sugat

Janice, walang kupas sa pag-arte

September 25, 2022 Ian F. Fariñas 491 views

WALA pa rin talagang kupas si Janice de Belen pagdating sa pag-arte.

’Yan ang napatunayan ng mga nanood ng HIV/AIDS advocacy film na Sugat sa Dugo (Wounded Blood) na nagkaroon ng successful red carpet premiere sa SM North EDSA The Block Cinema 3 kamakailan.

Deserve nga ni Janice ang best actress award mula sa 2021 International Film Festival Manhattan Autumn para sa short film version ng Sugat sa Dugo, maiden offering ng beauty guru na si Bambbi Fuentes at kaibigang Cristine Areola ng Bait Lehem House of Breads para sa Dragon Entertainment Productions.

Maiksi man ang exposure bilang inang nang-iwan sa mga anak (ginampanan ng mga baguhang sina Khai Flores, Christa Jocson at Mira Aquino) para sumama sa ibang lalaki, ramdam na ramdam naman ang pagmamahal at pagsisisi nito nang magkasakit ang anak ng AIDS.

Siguradong marami ang mata-touch sa eksena nina Janice at Khai sa ospital at sa chapel.

Tama ang aktres sa pagsasabi na ang Sugat sa Dugo ay isang natataong paalala na hindi lamang Covid-19 ang dapat bantayan ng publiko kundi maging ang iba pang mga sakit gaya ng HIV/AIDS, dengue, atbp. na sa ngayon ay nababalewala dahil halos lahat ay nakatutok lamang sa pandemya.

Mula sa story at screenplay mismo ni Bambbi, ang passion project niyang Sugat sa Dugo ay idinirek ni Danni Ugali.

Kasama rin sa cast si Sharmaine Arnaiz at dalawa pang talents ng Dragon Talent Management na sina Shira Mae Tweg at Mosh Gerodias.

Mapapanood na ito sa mga piling sinehan simula sa Miyerkules, September 28.

AUTHOR PROFILE