Ramon Ang

James hindi lumapit sa pamilya ni Kris sa burol ni PNoy

June 28, 2021 Aster Amoyo 197 views

HINDI man sila nagkita, tiyak na in-appreciate ni Kris Aquino (at ng kanyang mga kapatid) ang pagdalo sa wake at libing ni dating Pangulong Noynoy Aquino ng kanyang ex-husband at ama ng kanyang bunsong anak na si Bimby, ang cager na si James Yap sa Church of Gesu ng Ateneo de Manila University in Katipunan, Quezon City. At the mass ay nasa likod lamang si James katabi ng prominent businessman na si Ramon Ang. Pero hindi umano ito lumapit kay Kris at mga kapatid na nasa harapan. Pagkatapos ng mass ay agad umanong umalis ang sikat na basketbolista.

Nagpaabot din ng pakikiramay kay Kris at sa kanyang mga kapatid ang present partner ni James, ang Italian national na si Michela Cazzola kung kanino may dalawang anak ang cager.

Bukod kay James, naroon din sa mass ang ex-boyfriend ni Kris, ang actor-politician na si Herbert Bautista.

Marami naman ang nagsabi na mas maganda raw sana kung lumapit man lamang daw si James kay Kris at mga kapatid nito at sa kanyang anak na si Bimby to personally condole with them sa pagpanaw ni PNoy. Pero hindi ito ginawa ni James dahil ayaw niyang mang-agaw ng eksena sa burol ng kanyang namayapang brother-in-law.

Misis ni Dion nanganak sa pangalawa

THIRTY-five year-old Starstruck alumnus, musician and Kapuso actor Dion Ignacio and his wife of over three months Aileen Sison welcomed their second child Baby Dreighton (a boy) a couple of days ago. Ang panganay ng mag-asawa ay si Dylanne Jailee (girl) na isinilang in 2018.

Si Aileen ay dating flight stewardess-turned-entrepreneur. Walong taon din silang nagkahiwalay ni Dion nang siya’y mangibang-bansa. Pero pagkaraan ng walong taon ay muli silang nagkabalikan and had their first child bago sila nagpakasal last week of March 2021 sa Viridis Countryside Garden in Amadeo, Cavite.

Si Dion ay dating rhythm guitarist ng rock band na Philia kung saan ang singer-actress na si Arci Munoz ang lead vocalist. Si Arci ay produkto rin ng reality talent search na Starstruck (Season 3) in 2005 at naging contract talent ng GMA bago siya lumipat ng TV5 then sa ABS-CBN. The actor-musician remained a Kapuso.

Kapansin-pansin na hindi mahilig si Dion mag-share ng exact date ng mahahalagang okasyon tulad ng araw ng kasal nila ni Aileen at kapanganakan ng dalawa nilang anak.

Si Dion ay huling napanood sa TV drama series na “Magkaagaw” in 2019.

Willie may panahon sa pamilya

SA kabila ng pagiging abala ng TV host-producer and businessman na si Willie Revillame (60), nagbigay ito ng quality time sa kanyang tatlong anak na sina Meryll Soriano (38), Marimonete Shannel (18) at Juamme (15) at dalawang apo (kay Meryll) na sina Elijah (14) na anak ni Meryll sa kanyang ex-husband, ang actor na si Bernard Palanca at ang kanyang second apo, ang 6-month old baby kay Meryll (sa actor na si Joem Bascon) para i-celebrate ang Father’s Day last June 20 sa kanyang resort sa Puerto Galera.

Masayang-masaya si Willie kapag sama-sama sila ng kanyang mga anak at dalawang apo.

Willie got married twice. Una, sa US-based actress na si Princess Punzalan (na may bago nang pamilya sa Amerika) at pangalawa kay Liz Almoro kung kanino siya may isang anak, ang 15-year old na si Juamme (Juan Emmanuel Revillame). Liz has since remarried to former actor Victor Aliwalas.

Magmula nang magkahiwalay sila ni Liz nung 2006, hindi na muling nag-asawang muli ang actor-comedian-turned TV host, producer and businessman na si Willie.

Samantala, na-capture sa vlog ni Meryll ang bonding time nila with Willie kasama ang mga anak at apo nito. Magkakaiba man ang kanilang ina, the actress plays big sister to her two younger (half) siblings.

Si Meryll ay anak ni Willie sa elder sister ng Diamond Star na si Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano.

Angel natapos na ang programa, kasal naman ang aayusin

MATAPOS ang isang taon sa ere, nagpaalam na sa ere ang public service TV show na “Iba Yan “ ng actress-host at philanthropist na si Angel Locsin na ang huling episode ay natunghayan last Sunday, June 27.

Hindi ikinakaila ng actress na sobra umano siyang na-inspire sa programang “Iba Yan” directed by her fiancé, ang businessman, producer-turned director na si Neil Arce at inaasahan niya na ito’y nagbigay din ng inspirasyon sa mga manonood at sa maraming tao. Umaasa rin ang aktres na patuloy ang bayanihan ng mga tao laluna sa panahon ng pangangailangan.

Ngayong tapos na ang “Iba Yan,” tiyak na haharapin na ni Angel ang nalalapit nilang wedding ni Neil na na-postpone dahil sa pandemya. Although hindi pa nagbibigay ng detalye sa kanilang wedding ang aktres, ito’y magaganap bago magtapos ang taong kasalukuyan. Todo na rin ang ginagawang pagre-reduce ng aktres bilang paghahanda sa kanilang kasal ni Neil.

Tumaba nang husto si Angel dahil sa mga gamot na kanyang tini-take dahil sa kanyang spine problem na naging dahilan ng kanyang pag-atras sa “Darna” movie project ng Star Cinema back in 2015.

Maris at Rico nagpapakita nang magkasama in public

HINDI issue sa ex-PBB housemate, singer-songwriter at young actress na si Maris Racal (23) ang malaking age gap nila ng kanyang boyfriend ngayon, ang Rivermaya frontman, singer, songwriter, record producer, musician, actor at entrepreneur na si Rico Blanco dahil iisa ang kanilang common ground – ang kanilang passion sa musika.

Rico Blanco & Maris Racal

Even as a young girl ay matagal na umano siyang tagahanga ni Rico at pangarap niyang maka-collaborate ito sa music na naisakatuparan naman after her break-up with her ex-boyfriend, ang singer-songwriter-actor na si Inigo Pascual, ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual.

Ang music collaboration nina Maris at Rico ay nauwi sa pag-iibigan.

Twenty five years ang age gap sa pagitan nina Rico at Maris pero hindi ito tiningnan ng singer-actress dahil magkasundo umano sila sa maraming bagay laluna sa music.

Although months old pa lamang ang relasyon nina Maris at Rico, ang pakiramdam ng dalawa ay matagal na silang magkakilala. Sabay ding nagpabakuna ang dalawa kamakailan lamang, their first public appearance magmula nang maging sila.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE