Iza1

Iza at Bianca sabay nagbuntis

August 22, 2022 Aster Amoyo 510 views

Iza

PAREHONG buntis ngayon sa kanilang magiging first baby ang mag-sister-in-law, ang actresses na sina Iza Calzado at Bianca King courtesy of their respective husbands, ang magkapatid na Ben and Ralph Wintle na British-Filipino.

Iza was in a long relationship with Ben bago sila nagpakasal nung December 19, 2018 sa Club Paradise in Coron, Palawan habang sina Bianca at Ralph naman ay nagpakasal nung June 2021 in Sydney, Australia kung saan ngayon naka-base ang couple.

Sa darating na December 19 ay apat na taon nang kasal sina Iza at Ben but it was only last August 12 on her 40th birthday ipinaalam ng actress na buntis na siya.

It was in 2019 naman nang magsimulang mag-post si Bianca ng mga pictures na magkasama sila ng kanyang boyfriend pa lamang noon na si Ralph. But in March 2021 nang mag-move ng Sydney, Australia si Bianca and a few months later ay nagpakasal sila ni Ralph in June of same year.

Kinu-consider ni Iza na biggest gift sa kanyang kaarawan ang kanyang pagbubuntis ngayon.

Masayang-masaya rin si Bianca dahil nagbuntis siya sa normal na pamamaraan pero hindi niya ikinakaila that she considered the IVF procedure ng pagbubuntis.

Jaya nasunugan pero may bagong bahay agad

IT was only about two weeks ago when Jaya’s family home was razed by fire in the U.S. leaving them homeless nung nakaraang August 8. Pero dahil na rin sa prayers at tulong ng kanilang mga kaibigan in the U.S. maging dito sa Pilipinas, nakalipat na rin si Jaya and her family sa kanilang bagong tahanan eleven days later.

“August 19 is our Day 1 into our new home.

“Thank you to all of you who helped us through different ways. Your love, prayers, encouragement and those who gave from the heart, we will always lift you up in prayers. We will do a video soon.

“Thank you Lord for the new beginnings,” post ni Jaya sa kanyang Instagram.

In was in July 2021, when Jaya and her family moved to the US sa gitna ng pandemya. Pero patuloy pa rin siya sa kanyang singing career sa Amerika at Canada.

EJ

Vice Gov Ejay at Jana engaged na

ENGAGED na ang actor-politician na si Ejay Falcon sa kanyang girlfriend of six years, ang actress na si Jana Roxas at ito’y nangyari sa gabi bago ang 32nd birthday ng actress nung nakaraang Sunday, August 21.

Dapat sana’y magpu-propose si Ejay sa kanyang kasintahan sa actual birthday nito last Monday, August 22 na itataon na sa flag ceremony sa provincial hall ng Oriental Mindoro kung saan ngayon nakaupo ang actor bilang vice-governor. Pero mas minabuti ng actor-politician na gawin ito on a Sunday para naroon ang malalapit nilang mga kaibigan maging sina Gov. Bonz Dolor at misis nitong si Hiyas at mga kasamahan nila sa Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang engaged couple ay parehong nagsimula sa magkahiwalay na reality talent competition sa magkaibang network. Si Ejay ang tinanghal na Big Winner sa 2008 Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus ng ABS-CBN habang si Jana ay kasama sa ikatlong edisyon ng Startruck ng GMA.

Nasa magkahiwalay man silang TV network, hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-iibigan.

Matapos madeklara si Ejay bilang pinakabagong vice-governor ng Oriental Mindoro last May, lumipad muna ang actor at si Jana patungong Amerika for a much-needed vacation. Ngayon ay seryoso nang hinarap ni Ejay ang kanyang bagong sinumpaang tungkulin.

Ejay is from Pola, Oriental, Mindoro kung saan ang nakaupong mayor ay ang actress-turned mayor na si Ina Alegre who is Jennifer Mindanao-Cruz in real life.

Ngayong engaged na sina Ejay at Jana, paplanuhin naman ng couple ang kanilang wedding na malamang mangyari bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Samantala, ang Pola, Oriental Mindoro ay isa sa mga paboritong location ng award-winning director na si Brillante Mendoza na may ginawa pang pelikula na “Pola” ang titulo kung saan ang magkasintahang Coco Martin at Julia Montes ang mga pangunahing bituin. Kasama sa nasabing pelikula si Raymart Santiago na isa ngayon sa malalapit na kaibigan ng lead actor, director at creative head ng nagtapos na hit and long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Sa Pola rin nag-shooting ang suspense-thriller movie na “Bahay na Pula” na tinampukan nina Julia Barretto, Xian Lim at Marco Gumabao na si Direk Brillante rin ang director.

Carlo

Pelikuls nina Julia at Carlo maipapalabas na

IT was in November 2021 when Viva Films announced the follow-up project of Julia Barretto (25) pairing her off with actor Carlo Aquino (36), ang romantic movie na “Expensive Candy” mula sa panulat at direksiyon ng box office director na si Jason Paul Laxamana.

Despite the challenge in filming the movie sa gitna ng pandemya, natapos na ang principal photography nito at nakatakda na itong ipalabas sa mga sinehan sa September 14.

Julia is happily in a relationship with actor-entrepreneur Gerald Anderson while Carlo has called it quits from his model girlfriend of almost four years na si Trina Candaza with whom he has a baby daughter na si Enola Mithi turning one-year-old next month.

Vilma gustong bumalik sa showbiz

SA mga female star who portrayed the iconic Darna, ang Star for All Seasons-turned-politician na si Vilma Santos ang gumanap sa naturang role ng apat na beses sa pelikula.

For three consecutive years, 1973, 1974 and 1975, ginampanan ni Vi ang Darna sa movie at ito’y naulit in 1980.

Natuwa si Vi nang malaman niyang ang young star na si Jane de Leon ang bagong gumaganap na “Darna” sa TV version nito na unang ginampanan sa telebisyon ni Lorna Tolentino at sinundan nina Angel Locsin at Marian Rivera.

During the grand presscon ng”Mars Ravelo’s Darna” na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay nagpahatid ang ina ni Luis Manzano ng special message kay Jane na labis na ikinatuwa ng young star.

Samantala, ngayong pahinga si Vi sa pulitika, gusto niyang magbalik-showbiz which took the back-seat for a long time.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE