Vice

Tunay na sikat ang isang artista kung…

May 23, 2024 Joey Aquino 81 views

MASASABING sikat ang isang personalidad kung kilala siya pati ng mga bata.

‘Yan ang batayan sa showbiz pagdating sa kasikatan. These days, Vice Ganda fits the bill. Dahil kilalang-kilala siya ng mga bata. Thanks to his regular and daily exposure on TV thru his noontime show ‘It’s Showtime.’ His immense popularity equates his influence. Kaya lahat ng ginagawa niya patok. He is one of the few celebrities who use his socials with relevance and substance. His Tiktok “Piliin Mo ang Pilipinas” is socially relevant.

Isa pang sikat na kilalang-kila ng mga bata ay si Sarah Geronimo-Guidicelli. She may not be as visible as before now; but she remains to be a household name. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang regular TV show. Pero active siya sa concert scene. Her concert with Bamboo in Dubai was a hit.

Siyempre, nariyan pa rin sina. Anne Curtis, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Marian Rivera, Dindong Dantes, Kim Chiu at Alden Richards na sikat, as per given definition. Pero hanggang ngayon, wala pa ring bagong pangalan na masasabing sikat na sikat. Donny Pangilinan and Belle Mariano, known for their love team DonBelle, may still not be considered equally popular as the aforementioned names. One hit serye or movie is not yet enough for such category. Marami pa silang dapat patunayan, ‘ika nga.

Mula nang nawalan nang prangkisa ang ABS-CBN, walang bagong pangalan ang nadiskubre na may potential to be a big star. Mukhang mas mahirap ngayon dahil laging may bagong sumisikat. Pero viral lang ang kasikatan. They’re hot today, they’re gone tomorrow. These are the viral stars. A classic example now is Diwata. He’s all over online. But definitely, his popularity will fizzle out sooner or later. Hanggang ngayon wala pang online star na sumisikat sa mainstream media.

At wala pa rin sumisikat ngayon na bagong pangalan. Dahil ba wala nang prangkisa ang ABS-CBN kaya hirap na itong magpasikat? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0966-883-2430 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE