Heart Heart Evangelista and Chiz Escudero

Ina ni Heart, dumalo sa renewal of vows nila ni Chiz; pero ama, bakit wala pa rin?

February 16, 2024 Eugene E. Asis 190 views
Heart1
Heart Evangelista and Chiz Escudero
Heart2
Mr. Rey Ongpauco
Heart3
Mrs. Cecile Ongpauco with Heart

NAGKAROON ng renewal of vows (commitment) sina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa Balesin Island noong Huwebes, February 15, 2024.

Sa parehong araw ikinasal ang dalawa noong 2015.

Sa kasamaang palad, hindi nakadalo (o sadyang hindi dumalo) ang mga magulang ni Heart na sina Reynaldo at Cecile Ongpauco noon.

Hayagan ang pagtutol nila noon kay Chiz para kay Heart. Gayunman, nagpadala ng isang madamdaming mensahe ang ama ni Heart na si Rey na binasa sa reception. Daddy’s girl si Heart kaya hindi nakatiis si Rey na ‘di magpadala ng mensahe para sa anak.

Pero pinaghilom ng panahon ang sugat, at di naglaon ay nakita nila na si Chiz ang tamang lalaki para sa kanilang anak.

Lalo na si Rey na naging malapit kay Chiz kalaunan. Nagpagawa pa ito ng isang rest house sa bayan ni Chiz sa Sorsogon.

At sa araw ng muli nilang pagsumpa bilang mag-asawa, natuwa ang marami nang dumalo roon ang ina ni Heart na si Cecile.

Gayunman, wala doon ang ama ni Heart na si Rey. Nasa Amerika ito at nagpapagamot pa. Kung matatandaan, noong 2019, nagkaroon ito ng isang matagumpay na radiation therapy. Ngayon, inaayos naman nito ang kanyang hearing problem kaya hindi pa rin makakauwi ng Pilipinas.

At hindi naman lingid sa lahat na matagal na ring hiwalay ang mga magulang ni Heart. Inamin na rin ito ng actress-fashion icon sa ilang interviews.

Kaya nagkaroon ng malaking papel ang ina ni Heart na si Cecile sa renewal of vows nina Heart at Chiz.

Sa video ng kasalan, makikitang nagyakapan nang mahigpit ang mag-ina.

Mahalaga ito para kay Heart dahil nangangahulugan ito na tuluyan na nitong tinanggap si Chiz bilang son-in-law.

Noon pa man, gumagawa na ng paraan si Heart upang tanggapin si Chiz ng ina. Noong May 2016, dinala ni Heart si Cecile sa Balesin upang ipakita ang lugar kung saan sila unang ikinasal ni Chiz.

Noong 2022, habang may mga hindi magandang usap-usapan tungkol sa pagsasama nina Heart at Chiz, isa si Cecile sa mga umaasa na maayos nila ito.

Ngayon, buo na ang kanyang panalangin na sana’y panghabang-buhay na ang pagsasamang ito, at kung nanaisin ng Panginoon ay mabiyayaan sila ng anak.

AUTHOR PROFILE