Pic1

Actor at singer inabuso ang kabaitan ng Pinoy businessman sa Amerika

February 16, 2024 Aster Amoyo 1074 views

ISANG kilalang actor ang pinatira sa loob ng isang buwan sa magarang tahanan ng isang kilalang Filipino businessman sa Amerika. Ang siste, nagdala pa ito ng babae sa bahay ng negosyante.

Wala namang kaso ito sa negosyante at sa ibang miyembro ng pamilya kung ang babae ay girlfriend ng actor o may relasyon sila.

Ang pakiramdam ng ibang miyembro ng pamilya ng negosyante ay nabastos sila at hindi man lamang daw sila iginalang ng actor na kinunsider nilang kaibigan at bisita.

The actor was accorded all the necessary perks ng isang bisita from warm accommodation, food and even transportation pero hindi man lamang ito nagbigay ng respeto sa kanyang host at sa pamilya nito.

Ganito rin halos ang ginawa ng isang isang popular singer na walong buwang tumira sa bahay ng magpakawanggawang Filipino businessman. At itinuring siyang parang miyembro na rin ng kanilang pamilya. Ultimo allowance ay binibigyan ang singer ng businessman para may personal itong paggastos dahil walang-wala umano ang singer. Every once in a while ay tinutulungan din ang singer na magkaroon ng show para kumita although hindi niya kailangang problemahin ang kanyang accommodation at pagkain.

Isang beses ay nagdala rin ang singer ng babae at may balak pang doon din patirahin sa bahay na kanyang tinutuluyan. Dito na umalma ang mabait na negosyante at ang kanyang pamilya. Sa halip na pumayag silang doon patirahin ang babae ay pinakiusapan ang singer na umalis na lamang ito at maghanap sila ng ibang matutuluyan.

Mga kapalpakan sa unang Manila International Film Festival

ChristopherPicPINAGHAHANDAAN na ngayon ng Metro Manila Film Festival ang kanilang ika-50 taon na mangyayari sa December 25, 2024 hanggang January 7, 2025 na ang makakapasok na entries ay siya namang ipapalabas sa ikawalang taon ng Manila International Film Festival sa Hollywood in January 2025.

Although naging matagumpay ang 1st Manila International Film Festival (MIFF) last January 29 – February 2, 2024 in terms of attendance, marami pa ring dapat isaayos at isaalang-alang ang mga taong nasa likod ng nasabing festival in terms of coordination laluna ang flow ng programa para sa kanilang gala and awards night.

Although magkakaiba ang choices ng mga hurado sa MMFF at sa MIFF, dapat lamang na bigyang halaga ng mga jurors ang mga lead actors ng bawat pelikula laluna’t may ibubuga naman ang mga ito in terms of acting at credentials. Just like in the case of award-winning dramatic actor Christopher de Leon maging ang isa pang award-winning actor na si Christiaan Bables na hindi man lamang na-nominate for Best Actor ng MIFF for their respective movies na “When I Met You in Tokyo” at “Broken Hearts Trip”. Maging si JC Santos na siyang nanalong Best Supporting Actor (for “Mallari” ) sa MMFF ay hindi rin na-cite ng MIFF.

Wala ring Best Child Actor ang MIFF maging ang iba pang technical award categories.

The executive producer of the show at isa sa founding members ng MIFF na si Lisa Manibog-Lew should delegate sa announcements for special awards to the hosts or presentors at hindi ‘yung nakikisali pa siya kaya nasira ang flow ng programa.

DILG Secretary Benhur Abalos was a recipient of a special award from MIFF pero hindi yata siya na-inform at pinaakyat siya ng entablado sa pag-aakalang magpi-present siya ng isang award. Nalito si Sec. Benhur at dalawang beses umakyat ang kanyang assistant dahil wala itong nakahandang cue card man lamang. Isa yun sa mga palpak ng programa.

May dalawang set of hosts at kasama na rito si Kaladkaren na nagbigay buhay sa programa. Pero walang transition at magulo ang flow. Maging ang kauna-unahang Miss Filipina International winner na si Matea Mahal Smith na siyang ginawang taga-abot ng award ay hindi man lamang ipinakilala. Kapansin-pansin din na hindi man lamang nakilala ng audience ang chairman na si Omeng Diaz to do the welcome address at siyang dapat nagpakilala sa MMDA and MMFF Chairman na si Atty. Don Artes.

Sobra-sobra din ang ibinigay na exposure sa isa sa anim na founders na nagkataong siya rin ang nagibigay ng $200,000 worth of shooting equipment rental sa nanalong Best Picture, ang “Firefly”.

That alone ay napansin ng audience.

Since first time ito ng MIFF, sana sa isang segment ay ipinakilala ang anim na bumubuo ng MIFF founders na pinamumunuan mismo ni Omeng Ortiz as chairman but he was not even given a chance na ipakilala at magbigay ng kanyang welcome address.

The sitting arrangement during the awards night was in disarray. Walang usher or usherettes to guide the guests. Hindi sinunod ang numbers ng mga upuan kaya kani-kanya ang upo ang mga dumarating na bisita. Pagdating ng mga VIP guests, actors, filmmakers, producers at iba pa ay walang maupuan dahil okupado na ito ng mga nagbayad ng tickets.

Front seats were supposed to be reserved for the VIP guests from Manila pero hindi ganun ang nangyari.

Maging sa reception na may dalawa o tatlong tao lamang ang naka-assign ay na-overwhelm sa rami ng mga taong dumating kaya nagkaroon ito ng mahabang pila at matagal nakapasok ang mga taon.

Those who have media passes were not assured of seats as well. In our case, nakapasok at nakaupo lamang kami dahil sa producer ng BMC Films na si Benjie Cabrera ang nagbigay sa amin ng ticket at bracelet tag.

Marami pang dapat plantsahin ang panumunuan ng MIFF sa Hollywood na sana’y hindi na maulit sa kanilang ikalawang taon lalupa’t ika-50 anibersaryo ito ng Metro Manila Film Festival sa Pilipinas.

Engagement matagal na naitago nina EA at Shaira

Pic2Pic4Pic3Pic5MATAGAL ding naitago sa publiko ng magkasintahang Edgar Allan `EA’ Guzman at Shaira Diaz na parehong Kapuso talents ang kanilang engagement na nangyari nung December 25, 2021 pa.

Nangako si EA sa kanyang fiancée na hihintayin niya ito until such time na pareho na silang handa na ito’y isapubliko at natupad na ng actress-host ang iba pa niyang mga pangarap tulad ng pagtatapos ng kanyang pag-aaral at pagpapatayo ng bahay for her and family.

It was only last Friday, February 16 nang aminin ng dalawa ang kanilang engagement na nangyari mismo ng daily morning show ng GMA, ang “Unang Hirit” kung saan kasama si Shaira.

Ngayong inamin na pareho nina EA at Shaira ang tungkol sa kanilang engagement, tila handa na ang dalawa na ilagay sa ibang level ang kanilang relasyon at harapin ang kanilang pagpapakasal at pagkakaroon ng sariling pamilya.

Kung halos eleven years na rin ang relasyon nina EA at Shaira na matagal na palang engaged, kakaiba naman ang nangyari sa dating magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nauwi lamang sa hiwalayan after eleven years in a relationship.

Ngayong naisapubliko na nina EA at Shaira ang tungkol sa kanilang engagement, isapubliko na rin kaya nilang dalawa ang kanilang planong pagpapakasal?

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TICTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE