Ivana Larawan: Ivana Alawi/IG

Ivana sumakay ng jeep bilang suporta sa drivers

February 16, 2024 People's Tonight 327 views

KLARO ang suporta ng Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi sa mga tsuper laban sa posibleng phaseout ng mga jeepney.

Sa isang video na nakuhanan sa Facebook page ng Panday Sining PUP noong Martes, Pebrero 13, makikita si Ivana na sakay sa isang pampasaherong dyip.

Tanong ng mga lulan sa kanya kaugnay sa jeepney phaseout, at ang kanyang tugon ay, “Ako, support ako sa mga drivers, kaya nga tayo nandito [sa dyip] e.”

Napalakpak sa tuwa ang mga estudyanteng nasa likod ng pagbibidyo sa kanyang tugon, na pumalakpak at sumigaw ng “Tama! Mother!”

Nito lang Enero 31, na-extend ang jeepney consolidation hanggang katapusan ng Abril.

AUTHOR PROFILE