Gabby Irene Celebre

Ina ni Gabby Eigenmann nagbabala

April 2, 2024 Eugene E. Asis 84 views

HackedNAGBABALA ang ina ng aktor na si Gabby Eigenmann na si Irene Celebre.

Ayon sa dating aktres, na-hack ang kanyang Facebook account at nangangamba siyang magamit ito sa masamang paraan.

Mabuti na lang at na-lock niya ito at kaagad naman niya itong nabawi.

Nananawagan si Irene sa sinumang mapadalhan ng messages mula sa kanyang na-hack na account para sa anumang mensahe, lalo na kung ito’y may kinalaman sa pera.

Narito ang kanyang mesahe sa kanyang Facebook account:

Hi Facebook friends,

I would like to apologize to all the people who received messages last Thursday, someone was posing as me asking for money. My Facebook account got hacked and luckily I was able to lock the account, retrieving everything back again.

Will use this as a learning lesson for me not to share my OTP to anyone. Thank you for understanding.

Si Irene ay dating aktres na paminsan-minsan ay napapanood pa rin siya sa ilang palabas sa telebisyon at sa mga TV commercial.

Noong kanyang kabataan, dati siyang miyembro ng grupo na kung tawagin ay WOW Girls na nasa ilalim ng pamamahala ng TV at radio host na si Eddie Ilagan.

Nagkaroon siya ng romantic relationship sa yumaong aktor na si Mark Gil at naging bunga ng kanilang pagmamahalan ang aktor na si Gabby Eigenmann, isang Kapuso actor at napapanood sa bagong primetime series na ‘My Guardian Alien’ na pinangungunahan ni Marian Rivera kasama si Gabby Concepcion.

AUTHOR PROFILE