Chong

Fan ni Sarah, representative ng ’Pinas sa ‘Rising Voice’ ng China

April 1, 2024 Ian F. Fariñas 239 views

ANG Billboard Women in Music Global Force at Billboard PH Woman of the Year awardee na si Sarah Geronimo ang isa sa pinaka-iniidolo ni Giuliana Chiong, na sa batambatang edad na 13 ay tatayong representative ng Pilipinas sa Chinese variety show/singing competition na Rising Voice.

Layon ng nasabing programa na umere mula 2023 ang maka-discover ng mga batang may talento sa musika para ma-nurture ang kanilang edukasyon, skills at iba pang potensyal sa tulong ng music tutors.

Bukod kay Guiliana, na kapipirma lamang ng kontrata sa Cornerstone Entertainment, ang management team ng mga sikat na Pinoy talents tulad nina Piolo Pascual, Moira dela Torre, Erik Santos, KZ Tandingan, Zephanie, atbp., nakapag-perform na rin sa Rising Voice ang iba pang young talents mula Malaysia at Singapore.

Si Guiliana, panganay at only girl sa tatlong magkakapatid, ay tubong-Ozamiz City, Misamis Occidental at kasalukuyang nasa Grade 8.

Nag-compete na siya dati at umabot pa nga sa semi finals ng The Voice Kids Philippines Season 5 sa ilalim ng team ng concert king na si Martin Nievera.

Dahil sa angking galing, pinush si Guiliana ng mag-audition sa Rising Voice ni Priscila Teo ng Singapore-based Academy of Rock matapos siyang mapanood sa The Voice.

Bukod kay Sarah na aniya ay gustung-gusto talaga niyang makilala para makapagpaturo kung paano magiging kasing galing nito bilang performer, mas bet din ni Guiliana ang American singer-songwriter na si Billie Eilish at ni hindi man lang nabanggit ang worldwide fan fave na si Taylor Swift.

Dagdag pa niya, “I’m not into K-pop, I’m more into like single artists or bands.”

Sa ngayon, nagsisimula na siyang mag-aral ng piano dahil nagku-compose rin si Guiliana ng mostly mellow songs. Interesado rin siya na matutong umarte sa telebisyon o pelikula.

Anyway, sinuportahan naman si Guiliana ni Zephanie sa formal introduction nito sa entertainment press.

Payo ni Zephanie sa showbiz newbie, “Never ever give up and always make things from the heart and stay grounded and suurround yourself with people who’s gonna inspire you to be always at your best. Saka don’t be discouraged when things really don’t go well because there’s always a purpose in everything and if that something is to make you stronger, just face it with, you know, the people that matter to you. And we’re always here for you. I know that we just met today and you can always, like, reach out to me and I’m open to being with you in this journey. ‘Coz that’s what I also experienced with Cornerstone, with my friends, ‘yung mga kuyas and ates na nasa industry. And it’s important to know kung sino ‘yung mga taong malalapitan mo, especially sa part na we’re just starting to take that step of fate.”

Gaya ng alam ng marami, nagsimula ring kontesera si Zephanie.

Katunayan, naging tulay niya sa pagiging professional singer ang pagkakatanghal sa kanya bilang winner ng kauna-unahang season ng Idol Philippines.

Bukod sa pagiging ka-kwadra ni Guiliana sa Cornerstone, Sparkle artist din si Zephanie.

Kaya naman ganu’n na lang ang laki ng pasasalamat ni Guiliana sa support at words of encouragement na ibinigay nito sa kanya.

Ani Guiliana, “I feel so grateful that she’s here po to support me and I feel super inspired.”

AUTHOR PROFILE