Willie

TV comeback ni Willie mauudlot sa pag-file ng COC?

April 1, 2024 Vinia Vivar 155 views

Kumpirmado na nga ang pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame at kasadung-kasado na ang kanyang bagong show sa TV5. In fact, nakatakda na umanong pumirma ng kontrata ang TV host ngayong Abril.

Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang vlog.

Ayon kay ‘Nay Cristy, noong nakaraang linggo nagkasarahan at nagkaayos si Willie at ang Media Quest (kumpanyang nagmamamay-ari sa TV5) para sa bagong show na gagawin nito sa Kapatid network.

“Pinalipas lamang po nila ang ating pag-obserba sa Mahal na Araw at sa linggong papasok na ito, pirmahan na ng kontrata,” pagbabalita ni CSF.

Sinabi rin ni ‘Nay Cristy na ang bagong show ay co-production ng produksyon ni Willie at ng Media Quest.

“’Yung titulo, pinag-uusapan pa ngayon saka ‘yung time slot. ‘Yun na lang ang nakaungaong, eh, nakabitin. Pero kumpleto na, pinag-aaralan na nila ang kontrata pati ‘yung tatakbuhin ng programa, lahat ‘yun, naplantsa na,” sey ni ‘Nay Cristy.

Ang malaking tanong daw ngayon ay kung paano na ng planong pagtakbo ni Willie bilang senador sa 2025 elections kung magbabalik ito sa telebisyon.

Matatandaan na noong nakaraang Enero ay ipinahayag ni Willie sa isang rally sa Davao ang kanyang interes na tumakbong senador sa susunod na eleksyon.

“Magsusumite na ng COC (certificate of candidacy) ang mga tatakbo sa susunod na eleksyon sa October. O, papaano ‘yun? Anim na buwan lang siyang magso-show? Dalawang bagay ‘yan.

Pwedeng ganu’n. At pwede rin naman na ‘yung kanyang pangarap na politika ay isantabi niya,” sey ng batikang manunulat/host/vlogger.

Abangan na lang daw kung magsusumite o hindi si Willie ng COC sa October.

AUTHOR PROFILE