Allan

Hindi lahat ng reelectionist Senators ay makakabalik

April 8, 2024 Allan L. Encarnacion 136 views

SA sikip ng Senatorial race, hindi imposibleng matalo kahit ang mga reelectionist na incumbent.

Anim sa kasalukuyang senador ang kandidato sa 2025 at safe na sigurong sabihin na tatlo hanggang apat lang sa kanila ang maaring makabalik.

Labindalawa ang posisyon na paglalabanan pero as of this writing, nasa 48 hanggang 60 ang tatakbo. Anim na nga dyan ang kasalukuyang senador, lima hanggang anim ang comebacking gaya nila Tito Sotto, Ping Lacson, Manny Pacquiao, Frank Drilon, Bam Aquino and Leila de Lima.

Bukod sa malalaking pangalan na ito, nakalinya rin sa pagtakbo sina Isko Moreno, Doc Willie Ong, Willie Revillame, Makati Mayor Abby Binay, Las Pinas Congresswoman Camille Villar at DILG Secretary at Benhur Abalos.

Nariyan rin si former VP Leni Robredo, former President Digong Duterte.

Iyong sinabi kong 3 to 4 incumbents ang makakabalik, napaka-conservative numbers nito, puwede pang bumaba ito depende sa mga final candidates. Buwenas ng 2 or 3 matitira sa harap ng katotohanang masikip ang labanan.

Pero habang waiting pa tayo sa filing ng COC sa October this year, hindi pa natin alam ang pinal na numero at kung sinu-sino ang magkakaharap sa karera.

Isa lang ang sigurado, may mga matatalo sa incumbents!

Abangan natin ang susunod na kabanata.

Sa ngayon, kanya-kanyang gimik at kilos sila para makabalik.

[email protected]