Heart

Heart inamin ang pagpapa-botox

March 2, 2024 Vinia Vivar 123 views

Sa kanyang latest vlog ay ikinuwento ni Heart Evangelista ang pagpapa-botox na ginawa sa kanyang face and neck.

Sa isang bahagi ng video ay makikitang nagkukuwentuhan si Heart at ang kanyang girl friends at natatawang sambit ng aktres, “’Yung neck ko, walang muscle control dahil binotox!”

Tanong naman ng isang friend niya, “Totoo?”

Sagot ni Heart, “Yes, when you do botox on your neck… kasi, ‘di ba, you have the Nefertiti line, so para kumalma siya…,” hindi na natuloy ng aktres ang sasabihin dahil nagtawanan na sila.

“Yes, you can’t lift it up,” sey pa ng global fashion icon.

Pero nilinaw niya na five years ago pa siya nagpa-botox sa leeg at sa face naman ay isa o dalawang taon na ang nakakaraan.

“The last time nag-botox ako sa mukha, mga two or one year ago, ganyan,” aniya.

May nakakatuwa pang trivia si Heart pagkatapos niyang magpa-botox sa mukha.

“Mayroon akong signature look sa commercial, ‘yung parang nagtataas ‘yung kilay,” at ipinakita niya kung paano.

“I totally forgot that I had botox. ‘Heart, can you give us ‘yung look na ganu’n?’ Sabi ko, ‘okay,’ ganyan.”

Pero nang nagsu-shoot na, hindi niya magawang maigalaw ang face niya dahil kaka-botox lang nito.

Tawanan nang tawanan si Heart at ang kanyang mga kaibigan habang nagkukuwentuhan. Makikita rin sa nasabing video kung gaano kakalog ang aktres when she’s not at work and just enjoying life.

AUTHOR PROFILE