Ayanna Larawan mula sa IG/Ayanna Misola

‘Tititigan mo na lang ba?’

March 2, 2024 People's Tonight 116 views

TUMAMBAD sa netizens ang alindog ng Vivamax actress at social media sensation na si Ayanna Misola.

Nagpasabog ng kaseksihan ang sexy star sa kanyang Instagram post. Isang promotional material ang ibinahagi niya para sa isang produkto.

Makikitang mapang-akit siyang nakahiga sa tabi ng swimming pool habang naka-two-piece bikini.

“Tititigan mo na lang ba?,” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.

Nakilala si Ayanna sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bula (2022), Two Weeks, End (2022) at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (2022).

AUTHOR PROFILE