Gulay distribution sa Malabon umarangkada ngayong Nutrition Month

July 23, 2021 Edd Reyes 177 views

BILANG tagapagtaguyod ng malusog at malakas na pangangatawan tungo sa patuloy na pag-asenso, lalo na ngayong mas tumitindi ang mga banta ng COVID-19, pinangunahan nina Mayor Lenlen Oreta at District II Councilor Enzo Oreta ang selebrasyon ng Nutrition Month sa Lungsod ng Malabon.

Unang inlunsad ang “Kalinga Para sa Kalusugan Project,” kung saan namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng mga gulay, bigas, itlog, vitamins, at iba pa sa iba’t barangay ng lungsod. Ayon kay Mayor Lenlen “Ang programang ito ay patunay na prayoridad natin ang kalusugan ng Pamilyang Malabonian.”

Para naman mas mahikayat ang kanilang mga kababayan na mas tangkilikin ang mga masustansyang pagkain, patuloy pa rin ang kanilang pagbibigay ng mga gardening kits sa ilalim ng “Gulay Is Life Program,” katuwang ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO). Para kay Konsehal Enzo Oreta, “Bukod sa mga health benefits ng pagtatanim ng mga gulay, ay maaari rin itong gawing pangkabuhayan ng mga benepisyaryo.”

Puno rin ng pasasalamat si Konsehal Oreta dahil patuloy ang pagdating ng mga donasyong gulay mula sa kanilang mga “Kaasenso Partners,” na nagsimula pa noong kanyang kaarawan nung Hunyo. Aniya, hindi niya inaasahang marami pa rin ang lumalapit sa kanilang opisina at napakagandang pandagdag ito sa mga inisyatibo ng LGU.

Samantala, ayon naman kay Mary Jane Dimitui, isang Malabonian mula sa General Parents Teachers Association (GPTA) Sector, napakalaking tulong ang mga programang ito lalo na sa mga kabataang Malabonian. “Sa panahon ng pandemya, kailangang bantayan ang kalusugan ng mga nakababata sa pamilya para iwas-sakit. Salamat sa aming mga lider at nakaisip sila ng mga ganitong proyekto na bukod sa pamimigay ng masustansyang pagkain, ay pwede pang gawing pang pagkakitaan.

AUTHOR PROFILE