Ginang Sinisiyasat nina Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section at Det.John Teoddy Seguen kasama ang mga operatiba ng Forensic unit ang bangkay ng biktima. Kuha ni JON-JON C. REYES

Ginang tumalon mula 14th floor, durog

May 31, 2023 Jonjon Reyes 498 views

ISANG 51-anyos na ginang ang umano’y tumalon mula sa ika-14 na palapag ng gusali ng Victoria de Manila at agad na namatay matapos lumagapak ito sa kalsada sa kahabaa ng Taft Avenue cornee Malvar Street sa Malate, Manila, Miyerkules ng umaga.

Hinubad pa umano ng biktima ang kanyang flat leather shoes at iniwan ang itim na bag bago lumundag.

Ang ginang na may asawa ay nagkalasog-lasog ang katawan at naputol ang kanang braso dahil sa taas nang pinanggalingan nito.

Base sa ulat nina Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD Homicide Section, at Det. John Teoddy Seguen, bandang 8:35 ng umaga nang makarinig ng malakas na kalabog ang isang security guard na nakatalaga sa isang condominium sa nasabing lugar.

Dito niya nakita ang nakadapa at wala nang buhay na ginang, kaya agad niya itong ipinagbigay alam sa nakakasakop na barangay na siyang nakipagugnayan sa tanggapan ng MPD Homicide kasama ang Scene of Crime Operatives Forensic unit na agad rumesponde sa pinangyarihan

Sa imbestigasyon ng pulisya, may nabili umanong Unit sa 3328 sa ika- 30 palapag ang biktima pero under renovation pa ang unit.

Dahil nakapangalan sa biktima ang unit,pinayagan itong magpunta sa kanyang tinitirahang unit.

Ayon sa kapulisan maaring bumaba ang biktima sa ika-14 na palapag bago nito iniwan ang kanyang sapatos at bag at tumalon.

Ayon kay Police Executive Master Sargent Jonathan Bautista, isasailalim sa awtopsiya ang bangkay at masusing iimbestigahan ang insidente kung may foul play na naganap.

AUTHOR PROFILE