Default Thumbnail

Ginang kumalas sa ‘rebeldeng’ grupo, sumuko sa MPD

September 3, 2022 Jonjon Reyes 479 views

ISANG 51-anyos na ginang ang kusang loob na isinuko ang sarili upang talikuran na ang magulong nitong pamumuhay sa pag-anib nito sa isang “communist organization”.

Bandang 3:40 ng Biyernes ng hapon nang magtungo sa opisina ng Barangay 649 sa Baseco Compound, Port Area ang ginang, kasama ang Intelligence Operation Section na tauhan ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 12 upang sumuko ng payapa sa pulisya at talikuran na ang kilusan.

Ayon kay Borbe, matagal na umanong “under surveillance” ang ginang kaya iniutos nito kay P/Cpt. Eduardo Zaragoza Jr. ng Intelligence Section, kasama si Lt. JG Keith Stephen Liwag ng Philippine Navy, at ng mga opisyal ng barangay nang pumirma ito sa kasunduan na hindi na umano nito susuportahan ang maka-kaliwang grupo na pronta ng organisasyon, makaraan itong sumumpa.

Dahil dito, nakipag-ugnayan ang ginang sa mga awtoridad sa iba pa nitong kasamahan upang sugpuin ang panghihikayat sa lugar ng Baseco at sa ibang parte ng Kalakhang Maynila.

AUTHOR PROFILE