Gerald on Julia: ‘She’s the one’

January 3, 2022 Aster Amoyo 389 views

IT was only in March 2021 nang aminin ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda. Pero as early as 2019 ay napapabalita na ang relasyon ng dalawa matapos magsama ang dalawa sa pelikulang “Between Maybes” na ipinalabas nung May 2019. Naging controversial ang pag-iibigan ng dalawa at that time dahil walang formal break-up na nangyari between Gerald and his former girlfriend na si Bea Alonzo. Bago lang din hiwalay noon si Julia sa actor na si Joshua Garcia.

Sa panayam ni Boy kay Gerald, inamin ng huli na si Julia na umano ang `the one’ para sa kanya.

On Christmas day, Gerald was with Julia and her family. Magkasama ring sinalubong ng dalawa ang Bagong Taon.

Three days apart lamang ang kaarawan ng dalawa. Gerald turns 33 on March 7 habang si Julia naman ay magtu-25 on March 10.

DiegoBALIK-TANAW SA 2021

IT was on January 1, 2021 nang isapubliko nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang kanilang relasyon and the young couple celebrated their first anniversary last December.

JoemJanuary 1 din ipinaalam sa publiko ng magkasintahang Meryll Soriano at Joem Bascon ang kanilang bagong silang na supling na si Gido na one year old na ngayon. Ito rin ang araw na ipinakilala ng mag-partner ang kanilang baby sa ama ng aktres, ang TV host-producer na si Willie Revillame. Si Gido ay pangalawang apo na ni Willie sa kanyang panganay na si Meryll. Nauna na rito ang 14-year-old son ng aktres na si Elijah sa dati nitong mister, ang actor na si Bernard Palanca.

Sa araw din ng Bagong Taon last year ay nag-propose for the second time ang actor na si Benj Manalo sa kanyang wife na ngayon, ang Kapuso actress-comedienne na si Lovely Abella. Bukod kay Lovely, nag-propose din si Benj sa anak ni Lovely (sa dating karelasyon) na si Crisha.

Two years old naman on New Year’s day ang first baby ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Thylane Katana na isinilang nung January 1, 2010.

Sa darating na January 6 ay first death anniversary ng dating Metro Manila Development Authority Chairman na si Danilo Lim who died last year dahil sa Covid-19.

January 6, 2021 din ng looban ng akyat-bahay gang ang tahanan ng singer-actor na si Xian Lim ang kanilang bahay sa Antipolo.

Mag-iisang taon na ring namayapa ang nakatatandang kapatid nina Robin at Rommel Padilla na si Royette Padilla sa darating na January 9. He died of heart attack sa edad na 58.

Nung January 11, 2021 ay isinilang ng singer na si Maricris Garcia ang una nilang baby ng partner niyang si TJ Cruz na si Adaiah Denise Garcia.

DavearaJanuary 12, 2021 naman nangyari ang engagement ng mag-asawa na ngayon na sina Ara Mina at president ng Philippine International Trading Corporation (PITC) at politician na si Dave Almarinez.

January 15, 2021 nang opisyal na lumagda ng kontrata with ABS-CBN ang dating Kapuso singer-actress na si Janine Gutierrez. Kinabukasan, January 16 ay grumadweyt naman sa De la Salle University ng Bachelor of Science in Entrepreneurship ang Kapuso actor na si Juancho Trivino. On January 17, 2021 ay isinilang naman ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang pangatlong anak na si Koa (boy), her second with her fiancé na si Philmar Alipayo.

Magsi-celebrate naman ng kanilang 1st wedding anniversary ang mag-asawang Rocco Nacino at volleyball player na si Melissa Gohing na ikinasal nung January 21, 2021 sa isang naval ship na dinaluhan ng kanilang respective family at malalapit na kaibigan. It was also on same day nang isilang naman ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto ang kanilang pangalawang anak ng kanyang partner na si Pampi Lacson (ex-husband ng aktres na si Jodi Sta. Maria) na si Caleb Jiro. Ang panganay ng mag-partner na si Eve Lacson ay 8 years old na.

Si Pampi ay may isang anak sa kanyang ex-wife na si Jodi na si Thirdy Lacson now 16 years old, ang panganay na apo ng Presidentiable na si Sen. Panfilo Lacson.

Nung January 23, 2021 ay sumakabilang-buhay ang James Bond of the Philippines, ang veteran actor na si Tony Ferrer (Antonio Laxa) sa edad na 86. Ito rin ang araw na ikinasal ang actor na si Benj Manalo at Lovely Abella.

Nung January 31, 2021 ay isinilang ng fiancée ng Kapuso actor na si Mark Herras, ang dating beauty queen-turned Kapuso actress na si Nicole Donesa ang una nilang baby na si Mark Fernando na may palayaw na Corky.

DerekIt was on February 4, 2021 nang opisyal na maging magkasintahan ang mag-asawa na ngayon na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Ang dalawa ay unang nakitang magkasama sa isang dinner na ginanap sa bahay ni Derek nung January 11, 2021 ng dinaluhan din nina Ruffa Gutierrez, John Estrada at iba pang kaibigan ni Derek.

Nung February 12, 2021 ay pumanaw ang religious leader na si Bro. Eli Soriano sa edad na 73. The following day, February 13 ay nagpakasal naman sa France ang mag-partner na Gwen Zamora at cager na si David Semerad.

On Valentine’s day nung isang taon ay isinilang ang unang baby ng actor na si Romnick Sarmenta with his present partner, ang indie actress na si Barbara Ruaro. Ang actor ay may apat na anak (all girls) sa kanyang ex-wife of 19 years na si Harlene Bautista.

After nine years, nag-propose naman ang actor na si Bryan Santos sa kanyang fiancée na ngayon na si Marlann Flores on February 14, 2021.

February 21, 2021, TV host-actor and businessman Luis Manzano secretly married his wife, actress Jessy Mendiola at The Farm in San Benito, Lipa, Batangas.

March 5, 2021 nang isinilang ng host-actress na si Phoemela Barranda ang kanyang second child, her first with her present partner, Filipino-Chinese businessman na si Jason Choachuy, ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Rhian Ramos. March 6 naman ikinasal ang aktres na si Empress Schuck at partner nitong si Vino Guingona sa Hillcrest Gardens in Tagaytay City. The couple has a 6-year-old daughter na si Athalia.

March 8, 2021 nang ikasal ang model-actress at entrepreneur na si Sam Pinto sa PBA player na si Anthony Semerad. Nung March 13, 2021 ay sumakabilang-buhay ang last surviving son ng yumaong actor na si Eddie Garcia na si Erwin Garcia dahil sa komplikasyon sa sakit nito sa liver.

Nung March 15, 2021 ay pumanaw sa Pilipinas ang American actor, ang lead villain sa James Bond movie na “Live and Let Die” at sa pelikulang “Alien” na si Yaphet Kotto sa edad na 81. At the time of his death ay kasama niya ang kanyang third wife, ang Filipina na si Tessie Sinahon.

Ninety-two years old naman ang dating radio talent-actress at ina ng actress-host na si Tessie Tomas na si Laura Hermosa nang pumanaw sa kidney disease complications.

Nung March 26 ay isinilang ng international stage singer-actress na si Rachel Anne Go ang kanilang first baby ng kanyang American husband na si Martin Spies sa London na si Lukas Judah. Ang couple ay ikinasal sa Shangri-la Resort in Boracay nung April 19, 2018. The couple is now based in London, England.

March 30, 2021 nang mag-propose ang actor na si Derek Ramsay sa wife na niya ngayon na si Ellen Adarna after more than one month of being in a relationship. On same day ay pumanaw ang singer-businesswoman at nagpasikat ng classit hit song na “Sayang” na si Claire de la Fuente dahil sa Covid-19 na siya ring ikinamatay on same day ng ina ng aktres na si Jean Garcia na si Sandra Garcia.

(To be continued)

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE