Edu

Relasyong Edu-Cherry Pie, answered prayer

December 28, 2021 Vinia Vivar 407 views

Sabay na nagpa-interview sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache kay Luis Manzano na ni-release ng huli sa kanyang YouTube channel.

Sa totoo lang, ang lakas ng kilig factor kina Edu at Pie. Sey nga ni Luis, pati siya ay sobrang kinikilig.

Sa panayam ay na-reveal na dati na palang nag-date sina Edu at Pie, around 20 years ago, at nagkabalikan na lang ulit recently.

“We were dating for almost a year, two decades ago,” pag-amin ni Pie.

Dagdag na biro ng aktres, “Hindi niya ako makalimutan.”

Tinanong ni Luis ang kanyang ama kung kumusta ang puso nito ngayon.

Huminga nang malalim si Edu.

“Kahit paano, nakakahinga ako nang malalim ngayon na punumpuno ng saya,” sambit ng aktor saka sila nagtinginan nang matamis ni Pie na talaga namang nakakakilig, sa totoo lang.

Pati si Luis ay kinikilig sa kanila.

Nang si Pie naman ang tanungin ni Luis, sagot ng aktres, “Answered prayer.”

Asked kung paano nagsimula ang second chance ng kanilang love story, ayon kay Edu, nanatili ang pagiging magkaibigan nila sa loob ng 20 years after they dated.

“Lagi kaming nanatiling magkaibigan, we never drifted apart. We always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang gatherings. And we will always be talking.

Sincerely, ha? We knew that we still like each other,” sabi ni Edu na sinegundahan naman ni Pie.

Ayon sa aktres, sa loob ng panahong iyon, sa tuwing nagkikita sila ay lagi raw parang may iba siyang nararamdaman kay Edu pero hindi niya lang pinapansin.

Hanggang sa parang pinagtiyap ng pagkakataon, nagkatrabaho nga sila sa Marry You, Marry Me ng ABS-CBN.

“Wala namang expectations, eh. Tuloy lang ‘yun doon sa aming pagkikita during the past 20 years kung saan-saan,” kwento pa ni Edu.

Sa huli ay nahilingan sila ng short message sa isa’t isa. At dahil nga sobrang joker ni Edu ay idinaan niya sa biro ang kanyang mensahe.

“Dahil nga nagkaroon po kami ng… our friendship dates back many, many years, we already know each other and we know what is best for the other person without having to say so. Magbago ka na sana, sayang ka, maganda ka pa naman,” sey ni Edu na ikinatawa nina Pie and Luis.

Mensahe naman ng aktres kay Edu, “Sana we will not always find it hard to forgive each other. Because, ’di ba, it will not always be perfect.”

Sinabi naman ni Luis na thankful siya that things fell into place for Edu and Pie at kinu-consider na raw niya talagang parte ng pamilya ngayon ang aktres.

“I’ve seen my dad and I can see how happy he is right now and how content and how fulfilled he is,” sabi ni Luis.

AUTHOR PROFILE