Default Thumbnail

Focus muna sa COVID-19 — Yap

May 9, 2021 People's Tonight 452 views

KUNG si ACT-CIS Cong. Eric Yap ang tatanungin, dapat magpokus sa pagpapababa ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 at kung paano tayo makakakuha ng mas marami pang bakuna.

“Napapansin ko lang kasi na dina-divert na ng ilan ang atensyon ng bansa sa West Philippine Sea sa halip na pagtuunan ng pansin ang malala pa ring problema natin sa virus. Nariyan ang problema na marami pa sa atin ang nagugutom, ang mabagal na pagdating ng bakuna, at ang mga pasaway na mga kababayan natin kaya hindi bumababa ang hawaan ng COVID sa ating bayan,” sinabi ni Yap sa panayam sa isang radio.

“Hindi ko sinasabi na wag natin pansinin ang problema sa teritoryo, pero bakit di natin unahin ang pagpapababa sa mga tinatamaan ng COVID sa bansa at mabawasan ang mga namamatay araw-araw higit isandaan every day,” dagdag ng mambabatas.

Ayon pa kay Yap, bakit hindi hayaan sa AFP, Coast Guard, at DFA ang pagresolba sa WPS at ang lahat ay mag-focus na sa COVID problem.

“Napapansin ko lang kasi na ang oposisyon, ang legislative pati na ang madla nakatuon ang pansin sa debate ng pangulo at ni dating justice carpio sa teritoryo,” pahabol ni Yap.

AUTHOR PROFILE