Ariel Inton

LCSP hiniling extension ng SEC requirements mula transport groups

May 8, 2021 Jun I. Legaspi 573 views

MARIING hiniling ng mga tricycle at public utility vehicle operators na “i-extend” pa ng Security Exchange Commission (SEC) ang submission ng mga email, at mobile numbers para sa mga corporations, partnership para sa filing at monitoring systems o Memorandum Circular 28 S 2020.

Hiniling din ng TODA at PUV operators sa SEC na magsagawa ito ng patuloy at malawakang information dissemination tungkol sa program.

Ito ay inilabas noong November 18, 2020 at pinalawig ang mandatory submission hanggang February 22, 2021.

Simula February 23, 3021, ay nag-impose na ng penalty sa mga hindi nakasunod dito. Sa section 14 ay nakasaad:

Penalty. – Beginning February 23, 2021, a corporation, partnership, association, or person WHO FAILS TO SUBMIT THE EMAIL ADDRESSES AND CECULLAR PHONE NUMBERS within the period provided under these rules shall be ADMINISTRATIVELY PENALIZED with a penalty on the corporation, partnership, association, or person in the amount of TEN THOUSAND PESOS(P10,000).

“Bakit naman P10,000 ang penalty sa late submission sa totoo lang ngayon lang namin nalaman may ganito palang bagong policy,” saad ng TODA at PUV operators.

“Paano makakaapekto sa transport ito? Dahil sa kampanya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFTB) na bumuo ng corporation o cooperatiba ang mga nasa transport, at maging sa mga local government unit’s (LGU), ay required na SEC-registered ang mga TODA at dapat mag comply sila dito. Tanong? Sa panahon ba ng pandemya kung kailan ang unang iisipin ng mga operators at drivers ay pagkain at hanapbuhay ay maaring nakaligtaan ito. At dahil hindi na-comply ay multang sampung libong piso ang ipapataw sa libu-libong transport at TODA corporations ang naghihintay,” ani Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP).

Sa mga malalaking operators ay maliit ang P10,000. Pero sa mga TODA, jeep, UV Express at mga taxi ay malaking halaga ito, dagdag pa ni Inton.

Ang mungkahi ng LCSP ay baka pwede i-extend muna ang submission at gawing malawakan ang anunsyo tungkol dito dahil marami sa transport ang hindi pa nakakaalam nito.

Makakatulong din ang mga tricycle regulatory unit ng mga LGUs para maalalayan ang mga TODA na mag comply nito.

Maganda ang hanggarin ng SEC dito pero sana isa alang-alang din nila ang kasalukuyang sitwasyon ng naghihikahos na transport sector, saad ni Inton.

AUTHOR PROFILE