Drug suspect timbog, P17K shabu nakumpiska ng MPD

July 19, 2021 Jonjon Reyes 137 views

TULOY-TULOY ang kampanya sa ilegal na droga sa pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, MPD Director Leo M. Francisco at Commander PLTCol. Gene M. Licud.

Ito ay matapos mahuli ang isang drug suspect sa isang buy bust na isinagawa ng MPD.

Nakilala ang suspek na si Rohanny Amil, 28, jobless, at residente ng 1840 G. Tuazon St. Sampaloc, Manila,

Ang suspek ay naaresto ng mga operstiba sa pamununo ni PMaj. Val Valencia noong July 14 2021 sa may kahabaan ng G Tuazon sa may railroad track ng tren (Brgy 422) sa kasong paglabag sa sec. 5 and Section 11, Article II of RA 9165.

Na-recover mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,000.

Ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng Sampaloc Police para sa kinakaharap na paglabag sa ating batas. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE