Chesca Larawan mula sa Instagram/@dougkramer

Doug, Chesca nagtalo kung sino kamukha ni Kendra

August 28, 2023 People's Tonight 158 views

PINAGDEBATEHAN ng former basketball player na si Doug Kramer at kanyang asawang model-actress na si Chesca Garcia-Kramer kung sino ba sa kanilang dalawa ang kamukha ng kanilang panganay na anak na si Kendra.

Ibinahagi ng basketbolista ang isang photo collage sa kanyang Instagram page nitong Linggo, Agosto 27, na kung saan makikita ang throwback pictures nilang mag-asawa katabi ang mga larawan ni Kendra.

“Let the debate begin,” inilagay ni Doug sa caption ng post para tanungin ang netizens kung sino sa kanilang dalawa ni Chesca ang kamukha ng anak base sa photo collage.

Nagbigay naman ng kanyang sariling opinyon at reaksyon ang model-actress sa comment section ng post.

“Nanaman?!?! Stop it!!! Get over it!!! You won’t have her without me!!! Remember that!!! Remember that!!!” pabirong pahayag ni Chesca para sa asawa.

Marami namang netizens ang nagsabi na kamukha ni Doug si Kendra. Narito ang ilang pahayag mula sa comment section:

“Kendra looks like Mr. Doug while Scarlet is the twin of Ms. Cheska.”

“‘Pag panganay na babae matik si Daddy kamukha.”

“Kendra is definitely the girl version of his dad. Carbon copy! Talagang kamukhang kamukha ng daddy.”

“Doug won here. It’s obv!”

“Sorry Ms. @chekakramer, but Kendra is definitely her daddy’s twin.”

“Kendra 100% looks like her dad without a doubt.”

AUTHOR PROFILE