Julia

Laplapang Alden-Julia, pinagkaguluhan!

August 28, 2023 Vinia Vivar 281 views

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ng mga netizen at fans ang “laplapan” scene nina Julia Montes at Alden Richards sa pelikulang Five Break-Ups and a Romance directed by Irene Emma Villamor.

Ibinahagi ni Direk Antoinette Jadaone ang teaser ng pelikula sa kanyang Instagram Stories kung saan ay makikita ang torrid kissing scene nina Alden at Julia.

Ayon sa caption ni Direk Tonette, nagulantang siya sa nasabing eksena.

“So pinapanood sa akin ni @ayrin rough draft ng trailer ng Five Break-Ups and a Romance skl yung part na ito kasi napa-whoah akiz (with permission ni ayrin brw!),” sey ni Direk Tonette.

Sa ibaba, she wrote, “gulantang ako ditooooo!!! Iba poooooooo @juliamontes08& @aldenrichards02!!!”

Grabe ang reaksyon ng fans nina Julia at Alden at kaagad ngang nag-trending sa Twitter dahil sa sunod- sunod na comments nila at na-excite na agad silang panoorin ang movie.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon ng fans:

“Walang patama yung 4 espresso shots ko kanina, sa excitement ko lang pala sa #FiveBreakUpsAndARomance ako hindi makakatulog.”

“Nagkagulatan tayo, ano? Waaaah!”

“Nanginig ako. Hahahahahaha.”

“Hindi ako maka Move on. Yung tinginan palang Nila Lance at Justine sa Club Ang init talaga!!!”

“Kung pwede lang talaga hilahin ang kalendaryo para pwede nang panoorin to ginawa na natin.”

“Sobrang surprised actually. Like you didn’t see it coming. It’s really teasing. Napapaisip nga ako how will the story roll. Interesting. Really.”

Ang Five Break-ups and a Romance ang first team-up nina Julia at Alden at nakatakdang ipalabas ngayong Oktubre.

AUTHOR PROFILE