Marian

Dingdong escort at photographer ni Marian sa Miss U

December 14, 2021 Aster Amoyo 411 views

HINDI man nauwi ng Pilipinas ang korona ng 2021 Miss Universe na si Beatrice Luigi Gomez, malaking karangalan para sa bansa ang kanyang pagpasok sa Top 5 among the 80 candidates mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. She did a sterling performance bilang kinatawan ng Pilipinas mula sa preliminary hanggang sa coronation night sa Universe Arena, Eilat, Israel nung nakaraang Sabado ng gabi, December 12 (December 13 nang umaga sa Pilipinas). Kasama sa Top 3 ang Miss India, Miss Paraguay at Miss South Africa and finally, ang winner ay ang Miss India na si Harnazz Sandhu, a 21-year-old model-actress na nagtapos ng Bachelor’s degree in Information Technology and taking up her masteral studies in Public Administration.

Sa kabila nito, triple win na maituturing para sa Pilipinas ang 70th Miss Universe pageant dahil una, pumasok sa Top 5 si Beatrice; second, isa ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa tumayong hurado sa all-female members ng screening committee at pangatlo, namayagpag sa nasabing pageant ang mga disenyo ng mga kilalang Filipino fashion designers ng bansa na suot ng iba’t ibang kandidata tulad nina Francis Libiran, Michael Cinco, Ezra Santos, Garimon Escandor, Ryan Pacioles, Jian Lasala, Carl Andrana, Louis Pangilinan at iba pa.

Hindi naman makakalimutan ni Beatrice (or Bea) ang kakaibang experience sa pagsali sa Miss Universe competition where she gained a lot of friends among the contestants at na-boost lalo ang kanyang self-confidence dahil dito.

Samantala, marami ang natuwa kay Dingdong Dantes dahil hindi lamang ito ang official escort ni Marian kundi siya rin ang nagsilbing photographer at videographer ng kanyang misis magmula nang sila’y umalis ng Pilipinas hanggang sa pagdating sa Israel at sa coronation night. Just like every Filipino, sobrang proud si Dingdong kay Marian nang ito’y mapahilera sa mga international celebrities bilang bahagi ng screening committee (judges) ng Miss Universe. Kahit may trabaho, hindi niya pinalampas ang opportunity to accompany his wife sa Israel para sa beauty competition which was beamed on TV all over the world. Tiyak ding pinanood ito sa telebisyon ng kanilang dalawang anak na sina Zia at Ziggy na naiwan sa Pilipinas.

MissMiss India, kontesera, model at actress

ANG pagkakapanalo ng Miss India na si Harnaaz Sandhu sa 70th Miss Unvierse (2021) ay third win na ng India sa nasabing pageant.

Kontesera na si Harnaaz since she was 17 years old who was also crowned Miss Diva Universe 2021. Before joining the Miss Universe India, siya’y nanalong Miss Chandigarh in 2017. Ito’y nasundan bilang Miss Max Emerging Star India in 2018 at Femina Miss India Punjab in 2019.

Bukod sa pagiging isang beauty queen, si Harnaaz ay isa ring model at actress. She starred in the movies “Yaara Diyan Poo Boran” at “Bai Ji Kuttange”. She is also an advocate of women’s rights.

YamYam1Pagpapakasal ni Yam sa girlfriend ipinagpaliban kahit buntis na

HINDI man nakapagtapos sa kanyang pag-aaral ang ex-PBB housemate big winner na si Willam Goc-ong na mas kilala as Yamyam Gucong, hindi ito naging hadlang sa kanyang mga pangarap sa buhay.

Hanggang Grade V lamang ang inabot ni Yamyam dahil napilitan siyang magtrabaho at an early age para makatulong sa kanyang pamilya. Namasukan siyang house helper at water delivery boy sa Cebu City.

Nang magbukas ang audition ng Pinoy Big Brother reality show nung 2018, isa si Yamyam sa libu-libong nag-audition at siya’y pinalad na makapasok sa Pinoy Big Brother: Otso edition in 2019. And luckily for him, siya ang tinanghal na PBB Big Winner earning for him P2M-cash prize, a condo unit, a water refilling station package worth P800K and a travel package na nagkakahalaga ng P300K.

Ang kanyang pagkakapanalo sa PBB ang naging daan ng pagbabago ng kanyang buhay at ng kanyang pamilya at nagsilbing advance birthday gift for his 26th birthday. On the same year, part of his cash prize ay ginamit niya sa pagtatayo ng sarili niyang bakeshop, ang Yamito’s Bake Shop sa kanyang hometown, Inabanga, Bohol and was launched sa kanyang 26th birthday nung December 8, 2019. Two months later ay nagbukas siya ng isang branch sa Ubay, Bohol nung March 8, 2020.

Bukod sa kanyang bakeshop business sa Bohol, isa na ring celebrity blogger si Yamyam on top of his being an actor-comedian.

It was in October 2020 nang siya’y mag-propose sa kanyang longtime girlfriend na si Elaine Toradio na kanyang nakilala sa isang evacuation center in Bohol nung 2013. Kakaiba naman ang proposal na ginawa ni Yamyam dahil ginawa niya ito sa jewelry store kung saan niya binili ang engagement ring para sa kanyang nobya. Although hindi pa nakakasal ang engaged couple, they are already expecting their first baby. Ang ipinagbubuntis ngayon ng fiancée ni Yamyam ay maagang birthday gift at pamasko sa kanya. He turned 28 last December 8.

Since buntis ngayon si Elaine, ipinagpaliban muna nila ang planong pagpapakasal.

JLCFirst sitcom ni John Lloyd sa GMA malapit nang mapanood

MALAPIT nang mapanood sa Kapuso network ang bagong sitcom ng dating prized actor ng ABS-CBN na si John Lloyd Cruz, ang “Happy ToGetHer” na pinamamahalaan ng dati ring Kapamilya actor-director na si Edgar `Bobot’ Mortiz. Tampok sa nasabing sitcom ang ibang actors na identified sa ABS-CBN tulad nina Carmi Martin, Miles Ocampo, Eric Nicolas, Jason Gainza , Vito Quizon at Janus del Prado. Makakasama rin ang ibang Kapuso talents tulad nina Ashley Rivera at Jenzel Angeles.

Balik-tambalan din sila ng kanyang perennial screen partner na si Bea Alonzo sa pinakabagong TV commercial ng Jollibee kaya looking forward ang kanilang mga tagahanga na muli silang mapanood hindi lamang sa small kundi maging sa big screen.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@astera_amoyo.

AUTHOR PROFILE