Diego1

DIEGO, ’DI ITINANGGI ANG PAGPAPALAYAS SA MAG-INANG ALEXIS AT BABY HAILEY

January 9, 2024 Vinia Vivar 213 views

Hindi itinanggi ni Diego Loyzaga ang rebelasyon ng ina ng kanyang anak na si Alexis Suapengco na pinalayas niya ang kanyang mag-ina sa bahay.

Sa kanyang Instagram Story sumagot si Diego at hindi na ito makikita ngayon although nakunan naman ng screenshot ng mga netizen.

Para kay Diego, petty umano na kailangan pang dalhin sa social media ang kanilang issue.

“Petty for me to come to social media for this. Not denying anything aside from one thing,” sey ng aktor.

Ito raw ay ‘yung ipinost ni Alexis na nagbanta siyang hindi susuportahan ang baby kapag hindi niya inalis ang post nito.

“Again, not denying anything else, But my baby will be taken care of definitely,” paglilinaw ni Diego.

Naglabas din ang aktor ng resibo ng palitan nila ng mensahe ni Alexis kung saan ay sinisita niya ito sa pagsisinungaling.

“I never said I wouldn’t provide. Why would you say that in your post,” ang tanong ni Diego kay Alexis sa mensahe.

Sagot naman ni Alexis, “You told my mom and sina stoobie na it’s Hailey’s money.

Hailey ang pangalan ng kanilang baby.

Sagot ni Diego, “You lying to everyone.”

Anyway, mas maganda siguro na pag-usapan na lang nila ang kanilang problema nang pribado.

May point naman si Diego na hindi na ito kailangang idaan pa sa social media.

AUTHOR PROFILE