Pops

Martin at Gary, guests ni Pops sa 40th anniversary concert

January 9, 2024 Vinia Vivar 381 views

Bilang loveless pa rin si Pops Fernandez, girl friends niya ang kasama niyang nagdiriwang ng Valentine’s Day taun-taon.

Natanong sa Concert Queen sa mediacon ng kanyang anniversary concert na Always Loved kung ano ang gagawin niya sa Feb. 14.

“Normally, this is true, ha, on Valentine’s Day, I have a group of girl friends and lahat kami, single. So, we usually spend Valentine’s together. Meron na kaming pact na habang single kami, or maski meron nang lovelife, kami-kami pa rin ang magse-celebrate ng Feb. 14,” sey ni Pops.

Hindi naman isinasara ni Pipay ang kanyang pintuan para sa lalaking darating na mamahalin siya at mamahalin niya, pero hindi umano siya naghahanap at hindi rin siya nag-i-expect.

“Dati kasi, when I was much younger, siyempre, ‘yung maiinip ka, ‘yung naghahanap ka, you go out of your way. Ang ano ko ngayon is, ang belief ko ngayon is ‘when the right time comes, he will come.’ Hindi na dapat siya hinihintay.

“Darating na lang ‘yan if there is really someone who’s meant for me,” pahayag ni Pops.

Paliwanag pa ng Concert Queen, hindi naman siya malungkot kahit wala siyang lovelife.

“Kasi, hindi naman ako sad, hindi naman ako lonely. As a matter of fact, I’m happy.

“So, ‘pag nangyari ‘yan, ano na lang ‘yan, bonus na lang ‘yan sa life ko and hopefully nga, that person will be somebody who I will grow old with. ‘Yung hindi pilit, ‘di ba? ‘Yung bagay na bagay kami, nagkakaintindihan kami at magta-travel na lang kami, enjoying life together,” sey ni Pipay.

Matagal-tagal na ring hindi nagku-concert si Pops nang solo major talaga but after 12 years ay nag-decide siya na magbalik sa concert scene because she’s celebrating her 40th year in show business this year kaya very special ang magiging concert.

Marami raw siyang pasabog at surprise sa show. Pero ang binanggit pa lang niya ay ang dalawa niyang guests na icons na rin sa music industry — sina Martin Nievera at Gary Valenciano — na siyang guests niya sa very first concert niya sa Folks Art Theatre several years ago.

Siyempre, makikita nating muli ang tatak ni Pops na super dance and sing na matagal nang hindi nakikita sa kanya.

Ang Always Loved is happening on Feb. 9 and 10 at The Theatre at Solaire.

AUTHOR PROFILE