Richard

Duda ng netizens: Richard, in-unfollow ni Sarah dahil kay Barbie

January 9, 2024 Vinia Vivar 156 views

In-unfollow na ni Sarah Lahbati ang estranged husband na si Richard Gutierrez sa Instagram.

Ito ang napansin ng mga netizen na nakasubaybay sa followers’ list ng estranged couple.

Pero in fairness, nananatili namang naka-follow si Richard kay Sarah.

Kapansin-pansin din na halos buong pamilya nga ni Chard ay wala na sa following list ni Sarah kabilang na ang ate niya na si Ruffa, kakambal na si Raymond at inang si Annabelle Rama.

Nagdududa tuloy ang netizens na baka may kinalaman ang pagkaka-link ni Richard kay Barbie Imperial sa bagong aksyon na ito ni Sarah.

Spotted kasi si Chard recently sa isang bar sa Alabang kasama si Barbie at nakuhanan sila ng video ng mga customer kaya naglabasan sa social media.

Although hindi gaanong malinaw ang video ay makikitang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa table kasama ang ilan pang mga kaibigan.

May mga nakakita rin na sobrang close nga raw nina Barbie and Chard at may mga nagsabi ring inalalayan pa ng asawa ni Sarah ang aktres nang magpunta ito sa CR.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Richard at Barbie tungkol dito gayundin si Sarah.

AUTHOR PROFILE