Defensor

Defensor-Castelo team magsasagawa ng grand rally ngayong Miyerkules

April 12, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 293 views

MAGSASAGAWA ang Malayang Quezon City ni UniTeam mayoral candidate Mike Defensor at kanyang vice mayoral running mate na si Winnie Castelo ng isang grand proclamation rally ngayong Miyerkules kung saan inimbitahan ang tambalang Bongbong Marcos (BBM) at Davao City Mayor Sara Duterte.

Gagawin ang rally sa Batasan Road sa Barangay Batasan Hills simula ika-anim hanggang ika-siyam ng gabi.

Sinabi nina Defensor at Castelo na inaasahang 120,000 supporters ng kanilang grupo ang darating sa proclamation rally.

Ayon kay Defensor, inimbitahan ng kanilang grupo ang kanilang masugid at matibay na mga kaalyadong sina Marcos at Duterte.

“We expect them to be there,” anila.

Nitong nakaraang Linggo, sinamahan nina Defensor at Castelo si Duterte na nangampanya sa sa mga barangay ng Quezon City.

Sa simula ng kampanya nitong nakalipas na Pebrero, nagsagawa ng caravan ang mga kandidato ng UniTeam at Malayang Quezon City sa lungsod na dinaluhan ng maraming mga tao.

Bukod kina Defensor at Castelo, kinabibilangan rin ang mga kandidato ng Malayang Quezon City ng anim na distrito sa lungsod.

Kabilang sa mga kandidato ng Malayang Quezon City sina reelectionist Reps. Onyx Crisologo ng 1st district, Precious Hipolito Castelo ng 2nd district at Alan Reyes ng 3rd district.

Kandidato rin ng grupo sa Kongreso sina Marvin Rillo ng 4th district, at dating Rep. Bingbong Crisologo ng 6th district.

Base sa tracking survey nitong Marso ng pollster na Issues and Advocacy Center, malaki ang lamang nina Defensor, Castelo at ibang congressional candidates sa kanilang mga kalaban.

Nagpasalamat sina Defensor at Castelo sa suportang ibinigay ng mga residente ng lungsod.

Nangako ang grupo ng transparent, tapat, aktibo at tumutugon na liderato sa mga problema sakaling manalo sila sa darating na halalan. Ryan Ponce Pacpaco at Joanne Rosario (OJT)

AUTHOR PROFILE