David

David natutong maging professional dahil kay Barbie

April 5, 2024 Vinia Vivar 58 views

Natanggap na ni Barbie Forteza ang ‘tardiness’ ng ka-loveteam na si David Licauco.

Kwento ng aktres sa vlog ni Kim Chiu, talagang noong unang nakatrabaho niya si David ay inis na inis siya dahil lagi itong late dumating sa set.

“Wala akong ginawa pero pinaramdam ko sa kanya na hindi ko bet. Alam ni David iyon,” she said.

“Pero ngayon, okay na kami. Nasa acceptance stage na ako,” dagdag niya.

Tsika pa niya, nang magkatrabaho sila before sa Mano Po series ay laging late ang aktor.

“So, yon ang naging issue namin for a while,” aniya.

Natanggap na rin niya ang ugaling ‘yun ni David pero nilinaw niya na nagbago na ito ngayon at talagang nag-effort na maaga nang dumating sa set.

“Nu’ng finally in-accept ko na ‘yun about him, and in fairness naman din sa kanya ume-effort na rin siyang mapaaga ngayon, maging on time dahil sa akin. Ina-admit niya ‘yun,” sabi ni Barbie.

Hirit naman ni Kim, “Naturuan mo siya in a way to be professional.”

Sagot naman ni Barbie, “Yes. Kaya ngayon, we’re very good friends na. Okay na kami ngayon.”

Aniya pa, dahil malawak ang pang-unawa niya, gusto niyang intindihin kung saan nanggagaling ang ganung attitude ng isang artista.

“Kasi malay mo naman, kaya sila ganu’n because of nangyari sa bahay bago sila dumating sa set, ‘yung mga ganu’n. ‘Yung may pinagdadaanan. Siyempre, gusto ko siyang i-justify. Kung walang dahilan, saka ako magagalit,” ani Barbie.

AUTHOR PROFILE