Vice

Vice talo ng ‘EB’ kay Andres

April 5, 2024 Jun Nardo 76 views

NAGWAGI ang Eat Bulaga na makasama sa episode ngayong Sabado ang kakambal ni Atasha Muhlach na si Andres.

Isa si Vice Ganda sa mga nanliligaw upang mapabilang si Andres bilang regular ng It’s Showtime. Pero hindi ito nagkaroon ng katuparan.

Inanunsyo ni Bossing Vic Sotto na si Andres ang isa sa mga makikita sa Bulaga ngayong April 6, araw ng birthday celebration ni Vice at araw na mapapanood na ang It’s Showtime sa GMA-7.

Sa totoo lang, birthday month din ni Bossing ngayong Abril.

Kaya naman marami pang sorpresa at regalong handog ng Eat Bulaga sa manonood, hindi lang sa TV5 kundi pati sa RPTV channel ng network.

ANNIVERSARY CONCERT

ISI-CELEBRATE ng kilalang singer at songwriter na si Cecille Azarcon ang 45th anniversary niya sa music sa May 24 and 25 sa Solaire.

Anak si Cecille ni Minda Azarcon, pianist, singer, music teacher ng malalaking pangalan at music director ng acclaimed films gaya ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang, Tatlong Taong Walang Diyos at Insiang.

Tatlong taon pa lang si Cecille ay tumutugtog na ng piano, nagsusulat ng kanta sa edad sa anim at 19 years old nang magkaroon ng hit sa inspirational song na Lift Up Your Hands na unang ni-record ni Basil Valdez at sinundan nina Gary Valenciano at Sharon Cuneta.

Marami pang hit songs na nagawa si Azarcon gaya ng Reaching Out (ni Gary Valenciano), Special Memory (Iwi Laurel), So It’s You, I Think I’m in Love at One More Try ni Kuh Ledesma at marami pang iba.

Makakasama ni Azarcon sa concert niyang Azarcon@45 sina Kuh Ledesma, Janno Gibbs, Jam Morales, Mark Bautista, Tim Pavino at marami pang iba.

Makakasama rin sa selebrasyon sa May 24 sina Martin Nievera, Iwi Laurel, Nicole Asensio habang sa May 25 naman ay sina Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla at Katrina Velarde.

Available ang tickets sa Azarcon@45 anniversary concert sa Ticketworld.

AUTHOR PROFILE