Liza

Liza spotted na nagmamaneho ng mamahaling kotse sa Los Angeles

April 5, 2024 Vinia Vivar 73 views

Spotted si Liza Soberano na nagmamaneho ng BMW I8 sa Los Angeles, California.

Ipinost ng content creator na si Daniel Mac sa kanyang TikTok account ang encounter niya sa aktres habang sakay ng kanyang BMW na diumano ay nagkakahalaga ng $150,000 o P8 million.

Ang caption ni Daniel sa video niya ay “casually meeting the largest Filipino actress.”

Sa video ay mapapanood na tinanong ni Daniel si Liza kung ano ang trabaho nito.

Sey naman ni Liza, “Oh, I’m an actress.”

Mukhang nagulat naman ang content creator at ulit niya, “Actress? Like in movies?”

Sagot naman ni Liza, “Yeah, but a lot of my works in the Philippines so you probably don’t recognize me.”

Nang banggitin ang Pilipinas ay tila nakilala naman si Liza ng content creator at aniya, “Are you Liza?”

Sagot naman ng aktres, “Oh yeah!”

Sambit naman ni Daniel, “Oh, my gosh!”

Tinanong niya si Liza kung ano ang maibibigay na life advice sa mga taong gusto ring mag-artista.

“Just be true to yourself and take risks,” sey naman ni Liza.

Sa comment section ay tuwang-tuwa ang fans ng aktres na makita ang idolo. May isang nakakilala ng lugar na kinarooronan nito sa video at sinabing sa Beverly Hills daw ito.

Narito ang ilan sa mga comments:

“Omgggg Liza!!!”

“Omg our Queen.”

“This brings a smile to my face every single time!”

“Yes the most gorgeous and one of the most followed celebrity in the Philippines.”

AUTHOR PROFILE