Ogie

Dahil kay Ogie, makabalik pa kaya si Jhong sa ‘It’s Showtime’?

November 15, 2021 Joey Aquino 166 views

TWELVE years na ang ‘It’s Showtime.’

Nitong Sabado, nag-kick off anniversary celebrations ang nasabing show. Simple pero malaman. Kinanta nila ang “Toxic Free” na collab composition nina Vice Ganda at DJ M.O.D. Napapanahon ang kanta dahil sa anxiety at depression dulot ng pandemya. Pero obvious na may pinatatamaan ito lalo’t pinag-usapan kamakailan ang mga maaanghang na pahayag ng dating direktor nito laban sa show.

Pormal din na winelcome si Ogie Alcasid bilang regular host nito. Kasama rin ng mga host sa pag-welcome kay Ogie ang wife nitong si Regine Velasquez, na naglaro din sa special edition ng Madlang Pi-poll. Kasabay nito ang pag-anunsyo sa pagiging official director ni John Moll ng show. Matatandaan na lumutang noon ang pangalan ni John Prats na siya ang magiging kapalit ng dating direktor nito na si Bobet Vidanes.

Pabirong sinabi ni Vice na alam daw ng direktor ang desisyon ng management sa pagkuha kay Ogie. Aminin o hindi, patama ito kay Direk Bobet na nagsabing nagugulat daw siya sa mga ibang desisyon ng management gaya ng pagkuha ng bagong permanent host ng show. “Di ba, Kim Chiu,” pabirong tanong ni Vice kay Kimmy.

Malaking tulong ang pagpasok ni Ogie sa show dahil may kabatuhan na ng jokes si Vice. Lalo na’t naka-leave pa rin sina Anne Curtis at Jhong Hilario. Sa totoo lang, di kayang sumabay ni Vhong Navarro sa humor ng Unkabogable Star. Kasama na rin si Ogie sa Magpasikat, ang taunang pasiklaban ng mga host. At magbabalik na rin ang Tawag ng Tahanan. Kaya tiyak na mas exciting ang It’s Showtime ngayon.

Samantala, ‘di kasali sina Anne at Jhong sa Magpasikat. Usap-usapan na sa darating na January pa babalik si Anne; habang wala pang balita kung kailan babalik si Jhong. Makakabalik pa kaya siya ngayong regular host na si Ogie sa show? Just asking…

Disclaimer:

Para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE