Dennis

Jennylyn at Dennis kasal na

November 15, 2021 Aster Amoyo 158 views

SCOOP: Kahapon nang umaga ay nakatanggap kami ng exclusive picture ng civil wedding ng engaged couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pero wala pa kaming detalye tungkol sa nasabing kasal ng dalawa. May lumutang na balita na nung November 11 sila ikakasal pero mukhang nangyari lamang ito kahapon ng umaga, November 15.

Ipinagbubuntis ngayon ng Kapuso singer-actress ang kanilang magiging unang baby ni Dennis. Pansamantalang natigil ang taping ni Jennylyn ng kanyang bagong TV series, ang “Love, Die, Repeat” kung saan niya katambal for the very first time si Xian Lim.

AlodiaAlodia at Wil goodbye na

ANG 33-year-old cosplayer, model, host, singer, gamer at vlogger na si Alodia Gosiengfiao na mismo ang nagbalita sa kanyang Facebook account last Sunday, November 14 na wala na sila ng kanyang boyfriend of almost four years, ang sikat ding vlogger at ex-PBB housemate, ang Fil-Am (of Croatian and Irish descent) na si Wil Dasovich.

Sina Alodia at Wil ay opisyal na naging magkasintahan nung February 14, 2018.

“Those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times, but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives,” post ni Alodia sa kanyang FB.

Hindi man binanggit ni Alodia ang pangalan ni Wil, alam ng netizens na si Will ang kanyang tinutukoy sa kanyang FB post.

Ang dating magkasintahang vlgogers ay parehong successful vloggers. Si Wil ay meron 2.73M subscribers on YouTube habang si Alodia naman ay may 1.84M subs.

KapamilyaAngelica intimate ang birthday party sa yate

KAPAMILYA actress Angelica Panganiban turned 35 last November 4 pero she had belated intimate yacht party last Sunday, November 14 held in Subic, Olongapo where her American businessman boyfriend Gregg Homan is based. Ito’y dinaluhan ng respective friends ng magkasintahan at kasama na rito ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli, Maxene Magalona at Barbie Imperial.

Umaasa naman ang mga tagahanga ni Angelica na sana’y si Gregg na ang `the one’ after her failed relationships with actors Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz.

Ang aktres ay huling napanood sa hit Kapamilya TV series na “Walang Hanggang Paalam” at sa pelikulang “Love of Money” na pinagtambalan nila ni Coco Martin both shown early this year.

JulscocoWalang sign na matatapos na

FORTY-years old na ang TV Primeting King na si Coco Martin (Rodel Pacheco Nacianceno) last November 1 at isang belated birthday presentation ang ginawa para sa kanya nung nakaraang Linggo (November 14) sa “ASAP Natin `To” kung saan nagkaroon sila ng rare duet ng kanyang rumored sweetheart at leading lady na si Julia Montes (26). The occasion also celebrated Coco’s most successful action-drama TV series, “FPJ’s Ang Probinsyano” which marked its 6th anniversary last September 28, 2021 maging ang pagpasok ng bagong miyembro ng cast, ang megastar na si Sharon Cuneta.

Magmula nang simulan ang “FPJ’s Ang Probinsyano” nung September 28, 2015, sixteen TV directors na ang naging bahagi ng serye kung saan kabilang si Coco na siya ring tumatayong creative Director. Ang iba pang mga director at naging director ng serye ay kinabibilangan nina Malou Sevilla, Avel Sunpongco, the late Toto Natividad, Richard Somes, Keven de Vera, Alan Chanliongco, Ram Tolentino, Enzo Williams, Nick Olanka, Manny Palo, Darnel Joy Villaflor, Michael de Mesa, Albert Langitan, Jeffrey Sonora at ang actor-director na si John Prats. Umabot din ang serye ng mahigit 100 members ng cast both present and past, main and supporting ang guest roles.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” TV series ay napapanood hindi lamang sa buong Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa pamamagitan ng Kapamilya Online via ABS-CBN’s YouTube channel and Facebook Page, iWant TFC, WeTV and iflix maging sa TFC at Netflix maging ang iba’t iba bansa tulad ng Vietnam, Myanmar, Laos, Thailand at 41 bansa ng Africa. Ito’y napapanood sin sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5 at Cinemo.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nakatanggap na rin ng mahigit 100 awards at pagkilala mula sa iba’t ibang award-giving bodies.

Dahil sa tagumpay ng FPJAP, malayo pa itong magtapos sa ere tulad ng mga napapabalita noon lalupa’t may mga bagong karagdagang characters ang nakatakdang pumasok at isa na rito si Sharon Cuneta who starts taping for the series this week.

Longest running gag show

KUNG ang “Eat Bulaga” ang longest-running noontime show now on its 42nd year, ang action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” with six years, ang “Bubble Gang” naman ang longest-running gag show (on GMA) with 26 years.

“Bubble Gang” started airing on GMA nung October 20, 1995 with best friends Michael V. ang Ogie Alcasid leading the cast. But after several years with the show, umalis si Ogie to join TV5 at ngayon sa bakuran ng ABS-CBN.

Si Michael V. rin ang tumayong creative director ng programa bukod sa pangunguna sa bumubuo ng cast.

BeaBea at John Lloyd malaki ang posibilidad na magsama muli

SA pagkakaalam ng marami, program contract lamang ang nilagdaan ni John Lloyd Cruz sa GMA habang si Bea Alonzo ay network contract at hindi kasama rito ang exclusive movie contract kaya posible pa ring gumawa ang dalawa ng pelikula outside GMA tulad ng Star Cinema na siyang film company ng ABS-CBN. Kung gagawan man sina John Lloyd at Bea ng pelikula under GMA Films, it is on a per film project basis.

Bago pa man lumagda ng kontrata sa GMA sina JLC at Bea ay may gagawin na noong reunion movie ang dalawa under Star Cinema na nakatakdang idirek ng box office director na si Cathy Garcia-Molina pero nagkaroon ng delay dahil sa pandemya.

Excited na rin ang mga supporter ng dalawang actor na muli silang mapanood sa pelikula regardless kung ito’y gagawin sa Star Cinema o sa ibang film outfit. After all, ang screen tandem ng dalawa ay maituturing na one of the most successful team-ups both on TV at sa pelikula.

Sunshine nanganak na

NAISILANG na ng dating Sexbomb dancer-turned actress-comedienne na si Sunshine Garcia ang second baby nila ng kanyang husband, ang actor-politician na si Alex Castro na si Baby Alexander which they posted in their respective Instagram accounts last Friday, November 12.

Ang mag-asawang Sunshine at Alex ay ikinasal nung 2019 at ang kanilang panganay na si Axel ay isinilang nung 2018 at a time na engaged pa lamang sila.

Joshua nagsimula na sa ‘Darna’

ALTHOUGH kasisimula pa lamang umere ang bagong TV series ni Joshua Garcia, ang “Viral Scandal” na pinagtatambalan nila ni Charlie Dizon, nakapagsimula na ang young actor sa taping ng kanyang bagong serye, ang “Darna: The TV Series” na pinamamahalaan ng award-winning actor na si Chito Rono with Jane de Leon playing the title role.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE