Dagul

Dagul umaasang magkaroon muli ng trabaho

April 20, 2023 Aster Amoyo 831 views

Dagul1BAGO pa nawala sa ere ang longest-running kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” in 2019 kung saan nagging bahagi ang actor-comedian na si Dagul (Romeo `Romy’ Quedding Pastrana in real life) ay nag-quit na siya sa programa para muling tumakbo sa pagkakagawad sa kanilang lugar sa Rodriguez, Rizal. But this time ay hindi siya pinalad.

Aminado si Dagul na mahirap maging isang padre de familia nang walang regular na pinagkakakitaan tulad ng kanyang kaso ngayon.

Binubuhay niya ang kanyang misis of forty years at apat na anak although may sarili nang pamilya ang kanyang panganay at meron na siyang dalawang apo rito.

Si Dagul ay panlima sa siyam na magkakapatid na lahat babae. Siya ang kaisa-isang anak na lalake na may dwarfism condition. Pero hindi siya naging pabigat sa kanyang pamilya at tinulungan niya ang kanyang sarili na makapagtapos ng pag-aaral hanggang college.

“Kahit maliit ako at ganito ang kundisyon ko, maliksi akong kumilos,” pagmamalaki pa niya.

He was in college when he met his wife na kanyang schoolmate na si Aljen at niligawan umano niya ito hanggang mapasagot niya. They got married in 1993 at forty years na silang mag-asawa na nabiyayaan ng apat na anak, tatlong lalake (na lahat normal ang height) at isang babae, their youngest na si JKriez na nagmana sa kanya ang kundisyon. Ang kanilang mga anak ay sina John Rogen, John Clieff, John Jhero at Jkriez.

Tulad ni Dagul, talented si JKriez. She sings and acts at nag-aartista na rin ito ngayon bukod pa sa kanyang pagigingTiktoker kung saan siya may almost 1M followers.

Hindi ikinakaila ni Dagul na nami-miss niya ang showbiz at trabaho niya bilang isang komedyante na apat na taon na rin niyang hindi nagagawa.

Masuwerte naman si Dagul at anak nitong si JKriez nang mag-guest sila sa “Family Feud” program hosted by Dingdong Dantes on GMA dahil nakuha nila ang jackpot prize na P200,000 na malaking tulong sa kanilang pamilya.

Si Dagul ay ipinanganak sa Victorias, Negros Occidental. Nang siya’y mag-asawa in 1993, nagtinda silang mag-asawa ng mga pantalon at tsinelas sa palengke at paminsan-minsan ay lumuluwas siya ng Maynila para mamili ng kanilang paninda.

In one occasion na nasa Maynila siya, nagkayayaan sila ng kanyang mga pinsan na manood ng “MTB” ng ABS-CBN kung saan bahagi noon sina Willie Revillame at Randy Santiago among others.

Si Willie ang nakapansin kay Dagul sa audience na agad niyang sinabi kay Randy na agad naming nagtanong kung gusto niyang mag-arista.

Agad umo-o si Dagul. Pero sa halip naisama siya sa “MTB” noontime show ay ipinadala siya sa GMA para sa programang “Kook Ka Lang” kung saan kabilang ang nakababatang kapatid ni Randy na si Raymart Santiago.

Sa “Kool Ka Lang” TV sitcom bale nagsimula si Dagul na ang screen name ay nanggaling sa isa s amga production executives ng GMA na si Redgie Magno. Kabilang na rin noon sa nasabing sitcom ang isa pang komedyante na si Long Mejia na naging matalik niyang kaibigan. Pero ang dalawa ay magkasunod na lumipat ng ABS-CBN.

Naging bahagi rin si Dagul ng dating weekly sitcom ni Aga Muhlach, ang “Ok Fine Whatever” pero ang kanyang longest stint ay sa weekly kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na pinagmulan ng maraming stars na ngayon tulad nina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Alexa Ilacad, Kiray Celis at marami pang iba.

“Nagpapasalamat po ako kay Direk Bobot (Edgar Mortiz) sa malaking break na ibinigay niya sa akin,” pahayag ni Dagul.

“Dahil doon, nabilhan ko ang pamilya ko ng bahay, sasakyan at napapag-aral ko ang mga anak ko,” pahayag pa niya.

“Sobra kong nami-miss ang trabaho ko sa telebisyon,” pag-amin ng komedyante.

Umaasa si Dagul na may pagkakataon pa siyang makabalik muli sa trabaho sa showbiz laluna’t unti-unti na ring bumabalik sa normal ang lahat.

Marco grateful sa Viva, komportable kay Heaven

MarcoMarco1GRATEFUL sa Viva ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo (22) dahil sa sunud-sunod na proyektong kanyang pinagkakaabalahan na ang pinakabago ay ang TV series na pinamagatang “Rain in Espana” na hango sa bestselling Wattpad novel na sinulat ni Gwy Saludes at pinamamahalaan ni Theodore Boborol at mapapanood sa pinakabagong streaming platform ng Viva, ang Viva One. Sa nasabing serye ay kapareha niya ang Kapamilya singer-actress na si Rica Peralejo na naging kasamahan niya sa loob ng PBB house nung 2017.

“Magkaibigan kami ni Marco since PBB days pa namin kaya kumportable kami sa isa’t isa,” pag-amin ni Heaven na sinang-ayunan naman ng Fil-Am actor.

Ang “Rain in Espana” ay isang university series na tinatampukan nina Kalix (Marco) at Luna (Heaven). Kasama rin sa cast sina Bea Binene (in he first project outside GMA), Gab Lagman, Aubrey Caraan, Nicole Omilio, Krissha Viaje, Andre Yllana, Frost Sandoval, Francis Magundayao, at Gabby Padilla.

Sa unang episode pa lamang ng serye ay nakatitiyak kaming maghi-hit ito at hindi rin malayong magka-debelopan ang ilan sa bumubuo ng cast maging sina Marco at Heaven. Ang ilan sa kanila ay naging magkakabarkada na tulad nina Andre at Frost na parehong may celebrity parents.

Si Andre ay anak ng dating mag-asawang Jomari Yllana at Aiko Melendez, habang si Frost ay anak ng dating sexy star-actress na si Lara Morena.

Ang Kapuso singer-actress na si Chynna Ortaleza and tumatayong creative manager ng serye habang ang kanyang mister na si Kean Cipriano naman ang musical director.

Very proud naman ang director na si Direk Ted (Theodore) sa bumubuo ng cast na lahat first time niyang nakatrabaho dahil sa kanilang enthusiasm at pagiging passionate sa trabaho.

Pagkamatay ng K-pop star nakabibigla

KPOP1KPOPNAKABIBIGLA ang pagkamatay ng 25-year-old K-Pop star at miyembro ng Astro boy group na si Moonbin na natagpuang walanang buhay sa kanyang unit nung nakaraang Miyerkules, April 19 at suicide ang itinuturong dahilan.

Nagtaka umano ang manager at ibang miyembro ng Astro sa hindi pagsipot ni Moonbin sa rehearsal para sa kanilang nalalapit na major concert na nakatakdang ganapin on May 27, 2023 sa Busan Asiad Main Stadium in Busan, South Korea.

Twenty-four years old lamang ang K-Pop star na si Lee Jihan nang ito’y mag-suicide nung 2022 maging si Koo Hara (25) at iba pa.

Mataas ang suicide rate ng mga K-Pop idols in South Korea na ang cause ay cyber bullying, personal attacks at pagiging vulnerable ng mga ito sa criticisms.

Alden at Julia nage-enjoy na magkasama

JuliaJulia1PAREHONG nagi-enjoy sina Alden Richards at Julia Montes sa shooting ng kanilang unang tambalan sa pelikulang “Five Break-ups and A Romance” mula sa panulat at direksiyon ni Irene Villamor.

The movie is jointly produced ng GMA Pictures, Cornerstone Studios and Alden Richards’ own production company, ang Myriad Corporation.

It was in 2019 nang gawin ni Alden ang record-breaking hit movie na “Hello, Love, Goodbye” with ABS-CBN’s young superstar na si Kathryn Bernardo na up to this day ay wala pang nakaka-break.

Tulad ni Julia, si Kathryn ay isa ring Kapamilya star.

Since bukas na ngayon ang ABS-CBN at GMA sa kolaborasyon, natutuwa rin sina Alden at Julia dahil magkakatulungan ang dalawang giant TV networks laluna pagdating sa kanilang respective talents.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE