Comelec debate at interviews

January 25, 2022 Allan L. Encarnacion 143 views

Allan EncarnacionHABANG nakatutok ang buong bansa sa pag-survive sa halos dalawang taon nang COVID-19, nakakasingit pa rin ang isyu ng pag-ibig ni Kris Aquino at former DILG secretary Mel Sarmiento.

Kung mayroon sanang bakuna para hindi na umibig ang puso, baka mag-donate ako kay Kris.

Mabuti pa sila Ipe, Joey and James, nanahimik na.

Baka kailangan na ng booster shot ni Kris para iyong mga anak na lang ang kanyang ibigin at paglingkuran!

***

Kailan ba ang debate/interviews na itatakda ng Comelec?

Sa tingin natin, ang Comelec ang dapat maging main panel ng Presidential at senatorial candidates na ang pool airing ay magmumula sa PTV 4 at live hook sa mga commercial televisions.

Para maiwasan ang anumang alegasyon ng biases, mas mabuting kasama sa Comelec panel ang tig-dalawang journalist mula sa TV, radio, print.

Dapat iba pa rin ang debate/interviews ng vloggers para sa social media platforms para hindi magkahalo-halo ang mainstream and ibang medium.

Sa parehong okasyon, dapat may kasamang tatlong common tao na libreng makapagtatanong sa mga kandidato para talagang mula sa publiko. Bawal silang diktahan at bawal silang bigyan ng prepared questions.

Hayaan natin silang magtanong kung ano ang kanilang saloobin para malaman natin ang totoong pulso ng karaniwang tao.

***

Congratulations sa DZRH, sobrang ganda ng format ng kanilang interviews.

Credit natin ito kay Dr. Cesar Chavez na Station Manager ng DZRH, dahil sobrang metikuloso ng kanilang “job interviews” sa mga gustong maging Presidente ng bansa.

Sana makakuha ng puntos ang Comelec sa DZRH.

***

Hindi praktikal na wasakin ang mga confiscated luxury cars tulad ng sinasabi ni Finance Secretary Dominguez.

Sa dami ng pera na kailangan ng gobyerno para magamit sa pandemic response, hindi dapat masayang ang tiyansa na kumita ang pamahalaan para magamit sa kasalukuyang krisis.

Kahit pa sabihing mga smugglers din ang posibleng buyers kapag sinubasta ang mga sasakyan, wala namang problema doon dahil itataas mo naman ang presyo ng mga sasakyang tinangkang ipasok sa bansa nang walang sapat na buwis.

Mas gusto ko nang maging pera ang smuggled vehicles kaysa maging pitpit na lata na walang makikinabang kung hindi ang junk shop.

allanpunglo@gmail.com