Suspek Inaresto ng mga operatiba ng SMaRT-MPD ang suspek na si Jinxin Cheng alias ‘Henry Tan’ sa Binondo pati ang bodyguard (inset) nito dahil sa pagdadala nito ng baril. Kuha ni Jon-jon Reyes

Chinese nat’l, bodyguard timbog sa Binondo dahil sa estafa, baril

August 17, 2022 Jonjon Reyes 972 views

INARESTO ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang isang negosyanteng Chinese national dahil sa kasong estafa , habang nakitaan naman ng baril ang bodyguard nito na isa diumano’y Army Reservist sa Binondo, Maynila, Martes ng hapon.

Walang inilaang piyansa ang korte laban sa suspek na si Jinxin Cheng o alias “Henry Tan”, 42, negosyante at residente ng Binondo Warehouse Depot sa panulukan ng Barraca at Tolonero Sts. sa Binondo

Binitbit din ng mga awtoridad si Raymond Galicia, 47, bodyguard ng Chinese national dahil sa pagdadala nito ng baril.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD SMaRT, bandang 11:50 ng tanghali nang arestuhin ang suspek sa loob ng nasabing depot, bitbit ang warrant of arrest sa pangunguna ni P/Maj. Edward Samonte na inisyu ni Presiding Judge Estela Alma Sigco-Caruso ng Regional Trial Court Branch 12, Cebu City, na may petsang Enero 22, 2022 dahil sa kasong estafa.

Habang pinoposasan ang nasabing negosyante, nagtangka umanong pigilan ito ng bodyguard kaya isinama na ito ng awtoridad at inaresto kalaunan.

Kasong possesion of firearms ang kakaharapin ng bodyguard matapos mahulihan ng 9mm kalibreng baril na Norinco, isang magazine at 13 bala.

AUTHOR PROFILE