Mister dedo sa saksak ng ka-live in

August 17, 2022 Jonjon Reyes 179 views

ISANG mister ang binawian ng buhay matapos undayan ng saksak ng kanyang mismong ka-live in, Martes ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakilala ang biktimang si Emilio Paras, 48, scrap collector, ng Onyx St., Bgy. 775 San Andres Bukid, Maynila.

Nagkaroon umano nang mainitang pagtatalo sa pagitan ng mag live-in nang biglang undayan ng saksak ang biktima ng kanyang live-in partner na may alyas na “Laling” sa nasabing lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Christian Joseph Pineda kay P/Lt. Dennis De Jesus, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng maglive-in partner.

Ayon sa isang saksi na kapatid ng biktima, naririnig nito ang pagtatalo ng kanyang kuya at ang kinakasama nito.

Agad umano itong nagtungo sa kuwarto ng dalawa at nasaksihan nito ang pangyayari na kumitil sa buhay ng biktima.

Nagtulong-tulong ang mga kaanak ng biktima na maisugod ito sa Sta. Ana Hospital subalit dakong 8:24 ng gabi nang ideklarang “dead on arrival” ito ng mga attending physician.

Naaresto naman ang suspek ng ilang opisyal ng barangay saka nila ito itinurn over sa MPD Sta. Ana Police Station 6 at nahaharap sa kasong homicide.

AUTHOR PROFILE